[Gheoharra's Pov]
'Bilisan niyo naman manermon tita, tito, mahuhuli na ako sa klase ko e' paulit ulit kong sinasabi sa isip ko.
"Kasi naman hija, kailan ba kayo magkakaayos ni Anastasia? Lagi nalang bangayan eh," sabi ni tita Ana, Tito Tasio just listening behind her.
'Never na po kami magkakaayos.'
"Tita, maaayos din kami, alam niyo naman ang nangyari hindi ba? Pride lang naman ni Ank 'yon," sagot ko.
"Hija, sana naman ay tigilan niyo na"
'Ang anak niyo ang sabihan niyo tita.'
Gusto kong sumagot ng pabalang kaso pagalitan ako ni daddy aish! Kapatid pa man din niya si Tito Tasio, Gheotasio Medina.
"Tita, malelate na po ako," sabi ko, huminga naman siya ng malalim.
"Sige, ang sinabi ko ha?" Bilin niya.
"Opo, opo, bye," sabi ko at sumakay sa kotse agad, at dahil day off ni Manong Howard ay ako ang magmamaneho ng kotse.
Mabilis ko itong pinatakbo, patungo sa school.
Nakakainis naman kasi! At talagang nagsumbong pa si Ank huh? Ulol! Asa namang maaayos pa, saksakan ng germs ang anak nila.
Like eww, kahit mabulok siya.
Mabilis kong pinatakbo ang kotse papuntang school, tss, malelate na ako!
Pagkapark na pagkapark ko ng kotse ay agad akong bumaba at patakbong tinunton ang hagdan, ngunit sa kasamaang palad ay humarang ang pinakapangit na nilalang sa buong kalawakan.
Ank the great!
Wearing her ugly smirk.
"Ano? Pinagalitan ka nina mommy ano?" Sabi nito.
"Hindi eh, kaya lumayas ka diyan at baka muka mo ang gawin kong hagdan," sabi ko at hinawi siya.
"Ang sama ng ugali mo!?" Sigaw niya.
"Ah, talaga? Amazing," full of sarcasm and didn't take a single glance at her and continue climbing the stairs para lang makarating sa classroom namin.
Wait? Bakit nga ba ako nagmamadali? Lagi naman akong late eh? So what's with me now?
Hingal na hingal ako nang marating ko ang kwarto at walang katok katok na binuksan 'yon.
At may magtuturo na doon.
"Sorry Miss, I'm late," paumanhin ko, now this is strange, I even say sorry that I came late? While I can't even say that before every time I entered our room at the middle of the class.
"We're just getting started, please be seated," sabi ni Miss pero masiyado akong pagod para sumunod agad.
Itunuko ko ang aking dalawang kamay sa tuhod at huminga hinga.
"Are you okay, Medina?" Our teacher asked in a concern tone.
"Y-yes miss, napagod lang po," sabi ko habang hinihingal pa rin.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Teen FictionBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...