CHAPTER 44

1K 76 55
                                    

[Gheoharra's Pov]

Pagkatapos ko siyang dalhin sa pavement para isigaw lahat ng sama ng kaniyang loob ay heto na kami nagmamaneho papunta sa condo namin ni Jonah.

Tumawag sila na hintayin daw nila kami doon kaya naman bumalik na kami papunta sa Condo namin.

"Kumusta pakiramdam mo?" tanong ko, he smiled at me.

"Stop the car," nangunot naman ang noo ko.

' Better o 'di kayathank you ang inaasahan ko, bakit stop the car?'

"Bakit?" I asked with confusion, but I still pulled it over.

Tinanggal niya ang seatbelt niya and the next thing he did.

He kissed me, "thank you," napanguso na lang ako dahil sa ginawa niya.

Binuksan ko ang pintuan at lumabas muna. Magpapahangin lang, narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan at paniguradong bumaba din siya.

Narinig ko ang mga yabag nito na lumapit sa akin, hinila niya ako papunta sa kabilang pinto.

"Masagasahan ka diyan, hmm," sabi at hinapit pa ako sa bewang.

"Halata ka masiyadong kiligin," pang-aasar pa niya.

"Puro ka kaharutan, tara na," kumalas naman ako sa malandi niyang braso at pumunta na sa passenger's seat.

"Saan kayo nagpunta?" agad na bungad ni Jonah pagdating namin.

"Sa pavement nina tito Tasio," napatango lang ito at hindi na nga nagtanong, alam din naman kasi niya na doon kami pumupunta kapag may problema kami.

"Tara, at dahil sa pangyayari dito tayo sa condo niyo magsecelebrate," sulpot ni Kian na may malapad na ngiti.

"Sorry," sinserong paghingi nito ng tawad sa kapatid.

"Wala kang kasalana, huwag kang magpakabading diyan, tara na," sabi ni Kian at tinapik pa ang balikat ng kapatid

"Tama na ang dramahan at simulan na ang kainan, tae nagugutom na ako," sigaw ni Ford habang ngumunguya at may hawak na fried chicken.

"Gutom huh, pero kumakain ka na, ayos ka din eh," Ford is funny to be with, naging kaibigan na namin ito dahil sa pagtututor ng tatlo sa kaniya.

"Makapagsalita ka eh patikim tikim ka nga sa cake kanina, nagulo tuloy 'yong icing," sabi ng isa.

"Ang ingay niyo" sita ni Gelina habang may dalang lechon, sabay kagat sa malutong na balat.

"Kingina, nasa iyo pala yan!" Sigaw ni Jonah at Ford at inagaw ang lechon sa kaniya, dadabog-dabog tuloy na kumuha ng ibang putahe..

Natawa naman ako at nagtungo sa na kung nasaan ang pagkain.

"Oh Wildayne nasa hapag ang pagkain ah, wala kay Ajey,"

"Tang ina" sabay nilang mura dahil sa sinabi ko.

Laughter echoed in the four corners of the room at ang bahagyang pamumula ng muka ni Ajey ay hindi nakaligtas sa amin kaya lalo pa naming inasar.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon