"Hi baby, are you busy?" I asked, habang may malungkot na ngiti sa labi ko, napatingala pa ako at bahagyang bumuntong-hininga.
"Hindi naman, idedate mo ba ako?" mayabang niyang anas, gumuhit ang aking luha, I'm gonna miss that
"Labas tayo, sa may parke lang," nagpunas ako ng luha ang bumuga ng hangin.
"Sige, I'll be there in a minute," paalam nito kaya pinatay ko na ang tawag.
Sinimulan ko ng maglakad papunta sa parke at hihintayin ko nalang siya doon, hindi naman malayo kaya ilang minuto lang din ay nakarating ako doon.
"Tonton," tawag nito, lumingon naman ako at ngumiti sa kaniya.
She's wearing a jogging pants and a shirt lang.
I spread my arms para salubungin siya ng yakap, patakbo naman siyang yumakap sa akin at tumingala, matamis akong napangiti kaya hinalikan ko ang tungko ng ilong niya, noo niya bago ang buhok nito..
"Miss me?" Pagbibiro niya kaya napabungisngis ako.
"I miss you palagi mahal ko," natawa naman siya at kinagat ang pang-ibabang labi, sarap naman halikan.
I heard her laugh softly at kumalas sa yakap.
"So, paano ba 'yan president lapit na graduation ah, parang kailan lang," sabi niya.
"Yes, and I am so proud of you," pagmamalaki ko sa kaniya.
"Proud din naman ako sa 'yo," malambing na aniya, ang sarap ng haplos sa puso..
Nagkuwentuhan kami habang nakaupo kami sa isa sa mga bench.
Binabalikan namin ang pangyayari noong nasa grade 11 kami, kung paano kami nagpanggap noon.
Hanggang sa kung saan saan napunta ang usapan namin.
"Seryoso ba 'yan?" Medyo hindi makapaniwalang tanong niya.
"Kunwari lang Gheo," nasasaktan ako.
"Natatakot naman kasi ako sa tanong mo eh,"
I chuckled, kahit nasasaktan na ako para sa kaniya.
"Kunwari lang, kunwari ay may malala akong sakit tapos kailangan ay umalis para magpagamot," sabi ko pero nginusuan niya ako bago pa sumagot.
"I'll wait, kahit gaano katagal," huminga ito ng malalim at napansin ko ang pagkislap ng mata nito dahil sa luha.
"Heto last na," pagsasantabi ko sa nakikita ko.
"What if namatay ako, what will you do?" I asked pero hindi ko siya nilingon at nagkunwaring busy sa sa sleeve ko.
"Aray!" Daing ko nang sinuntok ako sa braso.
"Hindi na ako natutuwa sa mga tanong mo!" napamaang ako dahil sa luha nitong umaagos.
Pinunasan ko ang luha habang natatawa.
"Baby, note my 'what if' kunwari lang," umiling-iling siya.
"Baka tapusin ko nalang din ang buhay ko kapag nangyari 'yon," umiling naman ako sa kaniya.
"Eh ano gusto mong gawin ko? Anong aasahan mo? Magpapakasaya? Magsecelebrate kasi namatay ka?" Sarkastikang sabi niya at pinalis ang sariling luha..
"I want you to continue your life, don't forget about me, but you need to move on, don't end your life just because of me, hmm?" kita ko ang pagkibot kibot ng labi niya at mga luhang patuloy sa pagdaloy.
Ngumiti nalang ako at pinunasan ang luha niya at niyakap siya.
"Hindi naman totoo 'yon 'di ba?" she asked.
"Hindi baby, kaya relax lang," sabi ko at hinalikan ang ulo niya.
"I can't imagine my life without you," niyakap ako ng mahigpit.
I caress her hair and hug her.
August 10, 2020.
Apologies for the forthcoming explicit language.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Teen FictionBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...