CHAPTER 29

1.1K 77 27
                                    

Dedicated to kyoet_angel

[Gheoharra's Pov]

Kasalukuyan na kaming nagmemeryenda ngayon, nakaupo sa sahig ang dalawa habang nasa couch kami ni Leighton.

"Ang bait bait niyo po talaga," hindi parin talaga sila makaget over.

Ngumiti nalang ako habang kinakain ang cookies and cream flavor na ice cream ko.

"Sana balang araw, ganito rin ang bahay ko hehe," sabi ni Liah.

"Posible 'yon, kung mag-aaral kang mabuti, magtiyatiyaga, at hindi sumusuko, magagawa mo 'yon,"

"Ang mommy at daddy ko ay nagpursige at nag-aral ng mabuti kaya heto na ang bahay namin, dahil sa sipag nila," sabi ko.

"Work and study hard is the key, kaya heto may maganda kaming buhay, 'yon nga lang ay, hindi ko alam kung bakit wala akong interes sa pag-aaral, though I want to finish my studies but not aiming for a high grade, which is bad," sabi ko at natawa.

Natawa din si Leighton.

"I didn't expect that, coming from you huh," sabi nito kaya umirap ako pero biro lang naman.

"Ate, tignan lang po namin 'yong cellphone na bigay, ayos lang po ba?" Sabi pa ni Liah.

"Oh? Sure, sure, sa inyo na 'yon, nagpaalam pa e," natatawa kong sabi, nakangiti naman silang tumayo habang buhat ang ice cream papunta sa mesa sa kabilang gilid ng kwarto dahil doon nila nilapag kanina ang mga 'yon.

"Pasensya ka na sa kanila ha, hindi ba kasi sila nagkaroon ng cellphone dati e' pinagtitiyagaan nilang gamitin ang tablet nila, pasahan nalang sila kapag," sabi ni Ton.

"Ayos lang, nakakatuwa nga sila e'" sabi ko at sumubo ng ice cream at nilingon ang kambal.

Mula dito ay pinapanood namin ang dalawa na tuwang tuwa sa kanilang cellphone.

"Ano kaya kung hindi pa kita naging kaibigan 'no?" biglang tanong ni Leighton na ikinatawa ko, dahil ang OA.

"Malamang at nagsisisgawan pa rin tayo sa guidance," sabi ko.

"Correction, ikaw lang ang sumisigaw," at muling sumubo sa ice cream niya

"Ahy, ako lang ba?" Sarkastiko kong sabi at natawa.

Panay lang naman kami tawa dalawa, may sarili namang mundo ang kambal.

"Oh! Sandali" sabi nito kaya tumigil ako.

"Ang kalat kumain yaks," pinunasan niya ang gilid ng labi ko, kaya naman sinimangutan ko siya.

"Oh bakit?" Pigil ang tawang tanong niya.

"Bigwasan kita e'" sabi ko,

"Luh tignan mo 'to, nagtanggal lang ng ice cream e', o baka gusto mong labi ko ang magtanggal," nakakalokong aniya at itinataas taas pa ang kilay.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon