[Leighton's Pov]
Habang naglalakad kami patungong hagdan paakyat sa room ay nakita namin ni Kian si Praia na nakaupo sa sahig at hinang hina.
"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko at umupo kami ni Kian para mapantayan siya.
"Gawa ng tarantado mong girlfriend!" nanghihina ngunit nasabi niya iyon ng puno ng galit.
Natutop ko naman ang bibig ko sa sinabi niya.
"Puntahan mo na si Harra ako na magdadala sa kaniya sa Clinic," prisinta ni Kian.
"Sabay na tayo, tara na," inakay namin si Praia papunta sa clinic at halos takbuhin namin ang hagdan makarating lang agad sa classroom.
Pagkapasok namin ay nasa first and second row lang ang lahat. Bakante ang fourth at si Harra lang ang nasa last row na nakayuko.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa mga kaklase ko.
"Hindi namin alam, natakot kami sa kaniya, dahil pagpasok niya ay nanlilisik ang mga mata niya, pabalibag pa niyang binuksan ang pinto, nasigawan pa nga niya si Niña kanina na nakaharang sa dadaanan niya, kaya heto kami, nakadistansya sa kaniya," anas ng kaklase.
Bumuntong-hininga ako bago ko ito alanganing lapitan..
"Baby" I whispered in her ear nang makaupo ako sa tabi niya. Lumingon naman ito pero naka sandal ang sentido sa mga braso niyang nasa lamesa.
"Are you okay?" pinilit kong nguniti kahit kitako kung gaano kaseryoso ang muka niya, her eyes are in rage.
"Ano ang nangyari sa baba?" malumanay kong tanong.
She sighed and shut her eyes.
"Tanungin ko nalang diyan, wala akong panahon maagpaliwanag," gusto kong suminghal pero ayoko namang kung ano sa sabihin nito sa akin..
Mga kaklase namin ay nakatingin sa amin at pinapakinggan ang sinabi.
"Anong nangyari?" bulong lang iyon.
"Masiyadong mabilis ang pangyayari Pres, nakakatakot siya kanina" sulpot ni Ford at sumulyap sa gawi ni Gheo.
"Maaari niyo bang ikwento? Bakit? Paano? Anong nangyari?" bahagya pa akong kinabahan dahil doon.
"Kasi Leighton naglalakad lang naman kami--"
"Karga kita kaya kami lang naglakad" Ford interrupted kaya binatukan siya ni Clynt.
"Aray! Sige ituloy mo na," sabi nito habang hinihimas ang batok.
"Nagulat kami nang biglang tumigil si Gheo, at napagtanto naming dahil 'yon sa dart na inihagis ni Praia, mabuti nalang at hindi siya tinamaan at bumaon sa pader ang dart." Sabi ni Clynt.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Teen FictionBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...