CHAPTER 49

1.1K 76 35
                                    

[Kian's Pov]

'Akala ko ba ay walang lihiman?'

Tanong ko nalang sa isip ko habang pinagmamasdan ang kapatid kong nakahiga sa hospital bed at napakaraming nakakabit sa kaniyang katawan na aparato.

Nandito ako, si Gelina, si mama at si tito Gino.

Nakayuko si mama sa tabi ni Leighton at palihim lamang na umiiyak, samantalang si tito Gino ay nakaupo sa sofa at nakatingin lang din kay Leighton.

Si Gelina ay tulala sa tabi ko.

"Sorry daddy," biglang nagsalita si Gelina dahilan para lingunin namin siya.

Nagsimula ulit siyang umiyak.

"Sorry po kung hindi ko sinabi sa inyo," humihikbing aniya.

"Anak, bakit nga ba hindi mo sinabi?" mahinahong sabi ni tito Gino.

"Natakot ako at ang sabi niya kasi ay siya na ang bahala daddy," she covered her face using her palms, nanubig din ang aking mata dahil doon.

Napabuntong-hininga si tito at tinawag ang anak sa tabi, pumaroon si Gelina at niyakap ang ama, "gagawin natin ang lahat para gumaling siya, dadalhin nating US, para sa operasyon niya,"

Para akong nabingi sa narinig ko dahil sa sinabi ni tito.

"Hindi kayang suplayan ng Hospital ang lahat ng kailangan niya lalo na at Critical ang lagay niya."

"The doctors suggested na ipagamot sa ibang bansa kaya 'yon ang gagawin namin."

"Pero tito" nanginginig ang boses ko sa pagtutol.

"Hijo iyon lang ang tanging paraan para makasurvive ang kapatid mo,"

"Gusto ko pong sumama," sabi ko at nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko.

"Kian," sambit ni Gelina sa pangalan ko.

" I want to come, tito please, gusto ko pong sumama, gusto ko po siyang alagaan, pakiusap po......mommy" baling ko kay mommy na parang nasasaktan na din para sa akin.

"Pakiusap po, isama niyo ako," halos luhuran ko na sila payagan lang akong sumama.

"Sasama na din po ako daddy," matapang na sagot ni Gelina.

Bumuntong hininga si tito at marahang tumango.

Nakita ko ding ngumiti si mommy kahit nanghihina ay nakasilay ang matamis na ngiti niya.

Namumugto na ang mga mata niya.

Nang kumalma ako ay naupo ako malapit sa kama ni Leighton.

"Mama?"

Taranta kaming lumapit sa kaniya nang marinig namin siya.

"Yes, anak," ako nga.

Ayun na naman ang nag-uunahang luha ni mommy.

Ngumiti si Leighton at iginala ang paningin.

"I am so sorry for making you all worried," nanghihina ito, umiling si mommy and hushed him.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon