CHAPTER 22

1.1K 74 44
                                    

[Gheoharra's Pov]

"Come out before I go baby," sabi ni kuya habang kinakatok ang pinto ng kwarto, para daw, palitan niya na ang bandage ng kamay ko.

"Sandali lang kuya, nagnenecktie lang," bulyaw ko.

"Bilisan mo kasi," sabi ni Jo habang sinusuot palang ang medyas.

"Gaga, makabilis ka naman eh nagmemedyas ka palang diyan," asik ko, "ako ba ang gagamutin ha?" singhal niya, umirap naman ako.

"Make it quick Ava, I'll wait for you downstairs,"

"Okay, I'll be there in 3 minutes," sabi ko at narinig ko naman ang yabag nito palayo.

Inayos ko nga ang sarili ko, nakita ko pa si Jo nanag-aapply ng make up sa muka niya.

Agad na akong lumabas ng hindi nagpaalam, nadatnan ko naman doon si kuya sa sala kasama si Kian at Leighton.

Walang sabi-sabi ay agad ako inasikaso,

"kuya, dahan-dahan naman, ang sakit kaya"

"Napapala mo" napanguso nalang ako, hindi ko naman sinasadyang mabitawan iyon eh, ni hindi ko nga alam kung paano ako nasugat dahil lang sa pagpulot, maingat naman ang ginawa ko pero nasugatan parin, maliit pero, malalim.

"There, be careful next time, I'll go ahead, si manong Howard na maghahatid sa inyo okay? May pupuntahan pa ko eh" sabi nito at humalik sa noo ko.

"Take care," sabi ko, "you too, baby," he said and left in a hurry.

"So tara?" aya ni Kian, "wala pa si Jo, nag-aayos pa 'yon," sabay tingin sa taas, at sakto palang pababa na ito.

"Heto na oh," maayos na maayos ang buhok at maganda naman tignan, bumagay sa kaniya, e' 'di wow.

Agad naman kaming hinatid ni manong Howard sa school, magpapaalam sana si Leighton para tignan ang opisina pero sakto namang sumulpot ang bise presidente at sinabing siya na bahala, dahil ngayon ay pahinga namin at sasabak na kami bukas, inihahanda na din ang mga gagamiting rooms, kaya ang iba ay sa mga court pumwesto, imbes na bukas ang P.E nila ay ngayong huwebes na dahil magagamit ang school bukas.

"So ano na? Ano oras natin sisimulan?" excited na tanong ni Jo.

"Kapag nag time na," sagot ko at tumango tango naman ito.

Naupo muna kami sa batibot at nagkuwentuhan, nagtawanan, hanggang sa magtime na, wala ng makitang pakalat kalat na estudyante, lahat ay nasa designated courts and areas na sila, habang kami ay heto nakaupo pa rin dito sa batibot.

"Okay simulan na, kami mauuna," nangangalaiting sabi ni Kian, 'di naman halatang excited, agad nagbato ng tanong sa kapatid na kaniya namang nasasagot, salitan ang ginawa, after nila magtanong sa aming dalawa ay kami namang magbabato ng tanong pabalik pagkatapos namin sumagot.

Kung saan saan kami napupunta habang patuloy pa rin ang tanungan.

"Heto, heto, question for Gheo, a part and the main business center of Benin," he read.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon