[Gheoharra's Pov]
Medyo matagal din ang biyahe, alas siyete na no'ng nakarating kami.
"Gheo, hindi kita masiyado maasikaso," malungkot na saad ni Tonton na ikinaangat ng gilid ng labi at nagsasabing 'ano naman' pero sumimangot ito kaya natawa ako.
Ngumiti ako sa kaniya at bahagya pang kinurot ang pisngi niya.
"Hindi mo kailangang gawin 'yon, naiintindihan, may responsibilidad ka dito kaya ayos lang, don't worry about me, I can handle myself, ako pa ba?" mayabang kong anas.
"Thank you, hatid nalang kita sa magiging room mo, tara hanapin na natin," sumang ayon naman ako, binuhat niya ang bag ko habang hawak niya ang isa ko pang kamay.
"Kaya kong buhatin," ani ko pero suminghal siya.
"I know, but let me carry it for you," sabi niya, ngumiti nalang ako at sinimulan na naming maglakad.
Sa hotel ng resort kami tutuloy at may mga pangalang nakadikit sa bawat pinto ng kwarto para malaman namin kung saan kami magroroom.
Five to six students per room, and alphabetically arranged kaya naman hindi ko makakasama sina Jonah.
"Ayan" sabi niya nang tumigil kami sa isang pinto.
Lacson, Ariela Denise S.
Lee, Ajey Lyn T.
Maniego, Jennifer U.
Medina, Gheoharra Ava V.
Mendoza, Krizsa W.
Nuesca, Lynel Alexa X."Magkaroom kayo no Ajey, Gheo," sabi niya.
"Alam ko," sagot ko na tinawanan niya.
"Behave here okay? Sa baba pa ang room ko, text me or call me if you need anything, sleep on time and don't play around, understand?" Nag-iwas ako ng tingin.
'Inulit mo lang sinabi ni kuya eh.'
"Gheo," pagtawag niya kaya napakamot ako sa tenga ko.
"Oo na nga, areglado," ani ko.
Binuksan na ang pinto at pumasok na sa loob at nagulat kami nang makitang magkayakap si Wildayne at Ajey sa loob.
Gulat din ang mga 'tong kumalas sa yakap.
"Wildayne?" Taas kilay kong sambit sa pangalan niya.
"Yakap lang, promise," sabi at itinaas pa ang kanang kamay na parang namamanata.
"Hmmm?" May pagdududang paninigurado ko.
"Oo nga," sabi nito, Ajey chuckled, wala naman akong makitang guilt sa kanila.
"Babe oh, ayaw maniwala," sumbong ni Wildayne kaya inambahan ko ito at pabiro ding nag-iwas.
"We didn't do anything, praning," natatawang depensa ni Ajey.
"Hatid lang dapat ng bagahe, walang yakapan, kalalaki mong tao, ang clingy mo," hinila ko si Wildayne pero parang tuko itong kumapit sa braso ng kasintahan.
"Ay ewan ko sa inyo, eh malayo kaya ako sa kaniya, sa first floor pa room ko, karoom kita. Wildayne Almuete, Kian Almuete, Leighton Aragon, oh malayo sa floor nila kaya sinusulit ko lang mayakap"
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Novela JuvenilBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...