CHAPTER 4

2.1K 147 41
                                    

Dedicated to ice___precious

MONDAY

[Gheoharra's Pov]

Sapilitang maaga na naman akong papasok dahil sa time concious kong kapatid at maliban ay substitute siya sa school at gaya nga ng request ko ay nagpalipat ito sa junior at hinanapan ng ibang papalit sa teacher naming nakaleave.

"I'm still sleepy, can you go first and let manong Howard drive me at school, if" pakiusap ko habang nakahiga dito sa backseat ng kotse niya.

"Ava, kaya nga umuwi ako, just to look after you," aniya at tinignan ako mula sa salamin sa harap.

"I am not a kid anymore," pagmamaktol ko.

"I'm 18 and I can handle myself, I almost live in police station----ay kalabaw," nahulog ako sa upuan ko ng biglang ipreno ni kuya ang kotse kaya nauntog pa ako sa upuan ng passenger seat.

"What did you say?"

'Teka ano bang sinabi ko?'

"Alam ba nina mom and dad ang tungkol diyan?" he asked at handa ng magtaas ng boses.

"N-no" nauutal kong sagot, tae ano ba kasing sinabi ko, kabwisit naman eh.

"Bakit Ava!" 

"Many reasons kuya," sagot ko habang kinukutkut ang kuko ng mga daliri ko.

"Ava! What have you done!" mariin akong napapikit dahil sa pagsigaw niya.

"Nag-iisip ka pa ba? Bakit napupunta ka sa istasyon ng pulis? Anong kalokohang ginagawa mo! Akala ko sa pag-aaral ka lang may problema, bakit pati ata sa pulisya! Ha! Ava! Damn! you're the worse," napaawang ang aking bibig at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya, ang mata ko'y nagsmulang mag-init gayun din ang mabilis na pag-agos ng aking mga luha, my heart feels so heavy.

Huminga ako ng malalim at nilabanan ang galit na galit niyang tingin.

"At first may nakita akong batang lalaki, I try to save him, pero bago ko magawa ay nahulog siya at nawalan ng malay, ako ang itinurong may kasalanan, then sa pangalawang pagkakataon ay isang bata ulit na inabutan ko ng tulong hindi ko naman alam na magnanakaw pala kaya no'ng may mga pulis na ay sa 'kin niya iniabot ang perang ninakaw niya, at sa 'kin pinakasalanan at marami pang rason kung bakit pabalik balik akong napupunta sa estasyon ng pulis dahil sa iba pang inggetera, so if you'll excuse me, bababa na ako," sabi ko at marahas na binuksan ang pinto at naglakad palayo.

Malapit na din naman ang school mula sa hinituan ng sasakyan niya eh.

"Ano ka ba Gheo tahan na, nagulat lang siguro si kuya Harry," pang-aalo ni Jonah sa 'kin habang heto ako tahimik na umiiyak, wala mang hikbing lumalabas sa 'kin, ngunit ang mga luha ko ay walang tigil sa pag-agos.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon