[Leighton's Pov]
Napamura ako nang mawalan ng malay si Ava. Nang buhatin na ni Ford si Ank mula sa pagkakahiga nito sa hita niya ay binuhat ko din si Ava.
'Blood '
May dugo sa hita niya na malamang ay galing kay Ank 'yon.
Inakay naman ni Kian si Praia na nakaupo sa buhangin at tulala. Mabilis naming tinungo ang clinic at sinalubong kami ng mga staff na may dalang dalawang stretcher.
Inihiga namin sila doon at mabilis na ipinunta sa Clinic. Umalis naman ako para tanungin kung ano ang nangyari.
I saw Amira.
"Amira," tawag ko, lumingon naman ito pati ang mga kasama niya.
"Anong nangyari kanina?" I asked.
"Sa nakita ko kanina, tahimik lang namang naglalakad si Harra at nagulat ako ng sinabuyan siya ng buhangin ni Praia, lalapitan sana namin para tulungang tanggalin ang buhangin sa mata pero nanghila nalang siya ng kung sinong malapit sa kaniya para paihipan iyon,"
"Si Nina yun kanina," sabat ng isa.
"Oo si Nina, tapos sunod na nangyari ay nagkasagutan silang tatlo? O silang dalawa lang ni Praia? Basta 'yon, tapos napikon si Praia at sinampal niya si Harra," my Harra was hurt again.
Ikwinento pa niya kung paano pa siya ipinagtanggol ni Ank, hanggang sa pumulot si Praia ng bato para ibato kay Gheo pero niyakap siya ni Ank.
Nawalan ng malay at doon nagsimulang umiyak si Gheo at sobrang nataranta.
Mariin kong nakagat ang labi ko dahil naalala ko ang kwento ni Jonah at kuya Henry sa nangyari sa kaniya noon.
My poor baby.
"Hija, sabihin mo kung ano ang nangyari," nadatnan ko si Praia at Miss Hayami nanag-uusap, nakayuko ito, gusto kong magalit, gusto ko siyang sumbatan pero alam kong hindi naman tama.
"Miss, nagtanong tanong po ako sa nangyari doon sa mga nakakita," pagsingit ko nang mapansing walang balak sumagot ang babae.
Bumaling sila sa akin, ikwinento ko naman ang pangyayari sa kanila.
"Praia hija, bakit mo ginawa iyon?" sa tinig ni Cher Hilario ay mababakas ang pagkadismayado.
"I want to go home," nagsimula siyang humikbi, natatakot at nagsisisi sa nangyari, sabay na bumuntong hininga si miss Hayami at cher Hilario dahil do'n.
"Hindi ka pwedeng umuwi mag-isa,"
"Just please let me po," pagmamakaawa niya at umiling-iling pa, ang mgaluha nito'y deretso ang pag-agos.
"I am so sorry, I will call my parents miss, I really want to go home, I'm sorry for the trouble" sabi nito at umiyak.
Napabuntong hininga muli ang dalawa at tinanguan siya, she immediately called her mom.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Fiksi RemajaBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...