CHAPTER 28

1.2K 91 48
                                    

Dedicated to kyutiesaii

[Gheoharra's Pov]

"Ava! Gising ka na ba?" Si mommy habang kumakatok sa pinto.

"Mom! Inaantok pa ako," I murmured and of course hindi niya narinig.

"Ava," kulang na lang at balagbagin nito ang pinto ko.

"Oh! inaantok pa ako ma!" I said louder.

She opened the door and entered in my room, pipikit pikit naman akong bumangon.

"Get up sleepy head, huwag masiyado, sasakit na naman ulo mo niyan, kaaga mo pa man din natulog kagabi," sabi ni mommy.

"Breakfast is ready," minsan lang maging malumanay si mommy lalo kapag bagong gising ako.

Madalas kasi inaalaska ako.

"Sunod nalang ako sa baba m'my," tumango naman siya at umalis na.

I stand up at tumalon talon para tuluyang magising at pinitik pitik ang noo.

And after that, dumeretso ako sa bathroom at nagmumog at naghilamos.

Agad na din akong pumunta sa baba.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sina Brent at Liah kasama si Leighton.

Nakalimutan kong may usapan pala kami na dalhin niya ang kambal dito.

"Bagong gising?" Nang aasar pang tanong ni Leighton.

"Ha, hi---"

"Oo iho, napaka antukin kasi," kinunutan ko ng noo si mommy pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Sorry I forgot, ligo lang ako saglit-"

"Kain ka muna," sabi ni mommy.

"Halina kayo at kumain tayo ng almusal," anyaya ni mommy sa tatlo.

"Naku, ayos lang po," pagtanggi nila pero hindi pumayag ang nanay ko.

"No, come here, magtatampo ako sa inyo kung 'di kayo papayag, halina," sabi ni mommy.

"Tara, tara" yaya ko sa kanila at hinila pa ang dalawang bata, nagkamot nalang ng batok si Leighton at nahihiyang sumunod.

"Si daddy at kuya mommy? Nasaan sila?" Tanong ko.

"Kuya mo, on duty, si daddy mo, sumaglit sa hospital," aniya.

"This early?" I asked.

"It's already 9:30 Ava," nagulat naman akong tumingin kay mom at napatingin sa labas.

Definitely yes! Ang taas na ng init.

"'Di ko man lang namalayan," sabi ko.

"Sarap na sarap ka pa sa paghilik e'" pang aasar pa ni mommy and the two kids giggles.

"Kain na, oh heto oh," sabi ni mommy at pinagsilbihan ang dalawang bata at inabot kay Leighton ang pagkain.

"Thank you Doc. Hivary," sabi ni Leighton.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon