CHAPTER 38

1K 78 64
                                    

[Gheoharra's Pov]

Masaya ang araw ko ngayon lalo na at ipinakilala na ako ni Leighton sa pamilya niya ng pormal.

Itinama din niya na nililigawan niya ako.

"Salamat po, tita, tito, uuwi na po ako," paalam ko at bahagya ding ginulo ang buhok ng kambal.

"Salamat din hija," sabi ni tita Clarisse.

"Mag-iingat ka," sabi naman ni tito Callix.

"Ihahatid ko lang po 'nay, 'tay," sabi ni Leighton.

Nakangiti naman silang tumango.

Naglakad na kami palabas ng bahay, we then walked out of their yard papunta sa kung saan ko iniwan ang sasakyan.

Tahimik kami pareho, pero hindi nawala ang ngiti sa akin.

Sandali pa ay naramdaman ko ang pagdausdos ng daliri nito sa kamay ko kaya napatingin ako doon, he intertwined our fingers, napakagat pa ako sa aking labi dahil sa sarap sa pakiramdam.

I pouted bago ako nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Thank you," sabi niya, hindi ko alam kung magwewelcome ba ako o ano, pero isa lang ang nasabi ko.

I smiled at him at nagpatuloy sa paglalakad habang magkahawak ang kamay patungo sa sasakyan ko, na hindi ko alam kung paano ko iuuwi.

Mainit pa kasi alas tres palang naman, pero kailangan ko ng umuwi.

Natigilan ako when I saw one of the tambays slam the hood of my car at pinagpag ang kamay.

"Ah, paki-start miss kung gumagana na," sabi niya, at 'yong mga kasama niya'y naglilinis na din ng kamay, mukang pinagtulngan nilang ayusin.

"Siguro, sorry nila 'yan sa 'yo" bulong niya, napangiti naman ako at napailing.

"Subukan mo," bulong pa niya, kaya naman dumeretso kami ng lakad papunta sa sakyan at inunlock iyon at pumasok sa driver's seat.

I restart at natuwa ako dahil ayos na, I open the window of the car at dumungaw naman si Leighton doon.

"Drive home safe okay? Text me kapag nakauwi ka na, then take a rest," habilin niya kaya napangisi ako,

"I will," sabi ko at dumungaw din to thank the tambays for repairing our car.

Natutuwa din silang napasalamatan at humingi ng paumanhin.

Muli namang nangalumbaba si Leighton sa may bintana.

"Wala ba akong good bye kiss," pabulong ngunit nakangiti niyang tanong.

Natawa naman ako and kiss the tip of his nose.

He smiled at me at lumayo na sa sasakyan, nakita ko pa ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi niya at pamumula ng tenga niya.

"Take care," he mouthed, ngumiti naman ako bago tuluyang tumulak pauwi, bago pa man makalayo ay bumusina pa ako.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako agad ni kuya sa may pinto.

"Saan ka galing?" Tanong niya.

"Wala kang duty?" tanong ko pabalik pero umirap ito.

"Wala ngayon, ikaw? Saan ka galing?" He asked.

"Leighton's mother invited me into their house, hindi ko naman tinanggihan," sagot ko, he grinned at me, kaya ako naman ang napairap.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon