[Gheoharra's Pov]
"Ava, please hurry up," sa tinig ni kuya ay mahihimigan ang inis dahil sa kupad kong gumalaw.
"Kuya, napaka-aga pa kasi eh," reklamo ko habang isinusuot ang medyas ko.
"Maaga? Seriously? Its already 7:00 at 7:30 ang klase mo, you call that, maaga huh?"
"Hindi naman ikaw ang malelate," nakanguso kong sabi ko at nag-angat ng tingin, at ayun napakasama ng tingin.
"Fine, heto na oh," sabi ko at iniwan siya sa kwarto ko, nagtuloy tuloy pababa at pumasok sa kotse niya.
Agad akong bumaba nang makarating kami sa school, agad akong dumeretso sa classroom, pagbukas ko ay nakatingin silang lahat sa 'kin.
"What?" inis kong tanong.
"May sakit ka ba?" tanong nila.
"Huh? Wala naman-----"
"Naks ang aga mo insan ah, anong nakain mo? I-celebrate na ba natin yan?" tanong ni Jonah na kararating lang.
"Ah mali ba yun? O' sige, uwi muna ako, balik ako mamaya" sabi ko at akmang tatalikod pero humarang si Jonah at tinulak ako papasok.
"Arte! Minsan lang sa asul na buwan ka kung hindi malate, sulitin mo na" natatawang aniya at nasundan naman ng tawa pa ng iba.
"Its because kuya Harry drive me here," sabi ko.
"Oh nakauwi na pala," sabi nito. Maya maya lang ay nagsidatingan na lahat, gulat naman sila dahil bakit daw ang aga ko, dahil dati rati ay nagsisimula na ang klase 'saka lang pumapasok.
Maya maya pa'y pumasok si Kuya---sandale! Si kuya? What the hell is he doing here.
Meet my brother Gheoharry Avis Medina, college graduate, an Engineer and ngayon ay muling nag-aaral for Medicine.
But what is he doing here?
"Good morning class," aniya, tumugon naman sila, maliban sa 'kin na nanatiling gulat.
"I'm Gheoharry Avis Medina, your subject teacher for today, Miss Akaide is on leave due to her health condition, so I volunteer to teach for a while,"
"Okay, so bring out your General Mathematics notebook and book ang open page 105," nagsikilusan ang lahat, maliban sa 'kin at nanatiling nakatingin sa kanya, at ni hindi man lang ako dinapuan ng tingin.
Naramdaman ko nalang na inilapag ni Jonah ang libro sa harap ko, napatingin naman ako do'n.
"May I now start the discussion?" He asked, tumugon naman sila ng oo.
"Okay so listen carefully," sabi nito at nagsimula na ngang magdiscuss, ang mga paningin ko ay nanatili sa libro, binabasa ko lang yun, pero hindi nakatuon ang pandinig ko kay Kuya.
"You must be attentive dahil may quiz tayo after," doon lang ako nag-angat ng tingin at nagsalubong ang mata namin, seryoso siya at parang sinasabi nito na makinig ako.
"Before that, recitation saglit, Medina, stand up," sabi nito, napaawang ang labi ko, at kinunutan siya ng noo.
"Don't look at me like that, Guro mo ako sa ngayon kaya sumunod ka," sabi nito, tumayo naman ako at nagtanong siya, pero hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam, hindi naman kasi ako nakikinig eh.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Teen FictionBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...