CHAPTER 26

1.1K 80 36
                                    

[Gheoharra's Pov]

Heto kami sa kotse ni Kian ngayon, nagmamaneho sa kung saan man kami pupunta.

"Saan tayo?" Tanong ni Jo.

"Dito sa loob ng kotse lang Jo," inosente kong sagot, na agad naman akong nakatikim ng batok.

"Ang ayos ng tanong ko Gheo, nakakatanga 'yang sagot mo," sabi niya na bakas ang inis.

Inosente ko pa rin siyang tinignan habang kinakamot ang batok ko na binatukan niya.

"Totoo naman e', sakit ah!"

"Tama na nga 'yan," natatawang suway ni Kian sa amin.

"Saan mo ba gusto pumunta Harra?" Tanong nila.

"Bakit ako?" Tanong ko naman.

"Eh kasi, nagchampion ka," Tonton said.

"Eh nag champion din naman si Kian e'," dipensa ko.

"Edi bahala na," sabi niya at patuloy lang sa pagmamaneho.

Naging tahimik ang dalawa sa harap, habang kami ni Jo ay nagbabangayan, ewan ko ba dito, lakas ng topak, nakakainis.

"Leighton," bigla kaming natigilan ni Jo sa aming ginagawang bugbugan dito sa likod nang marinig namin si Kian na banggitin ang pangalan ng kapatid na napakaseryoso at napakalalim na tono.

"Wh-what?" Nuutal pang tanong ni Ton sa kaniya.

Inihinto ni Kian ang sasakyan sa may gilid lang, ewan ko kung nasaan na kami, basta malayo na kami sa school.

Walang masiyadong bahay at malawak na kabukiran lamang ang nakikita.

"You okay?" Tanong ni Kian.

"Of course I am okay, kinabahan pa ako sa 'yo,"  aniya at tumawa pa.

"Nakita ko kayo ni mama," tumango si Leighton at idineretso ang tingin sa kalsada.

"Our conversation is not good, well kahit kailan naman hindi na ako umasang magkakaroon kami ng maayos na pag-uusap ni mama, she hates me that much but," he paused and looked at Kian who is attentively listening .

"I can't hate her the way she hate me. I still love her even she can't love me back."

"Handa akong magbulagbulagan, magbingibingihan at maging manhid at mag assume na mahal na mahal din ako ni mama," he's almost whispering, we can just barely hear him.

"Kaya ko naman e', iiyak ko lang, kinabukasan wala na," he tried to be sound so cheerful but his eyes didn't cooperate for what he want to show us.

Napunasan ko ang sarili kong luha dahil sa nadala din ako sa emosyong dala dala niya. 

Tinanggal na niya ang ang kaniyang salamin.

Nanatili lamang kaming gano'n hanggang sa mahimasmasan na sila ni Kian.

"I admire you for being tough and strong Leighton, kuya is so proud of you," sabi ni Kian at ginulo ang buhok ni Leighton.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon