[Leighton's Pov]
Nabahala kami sa pagkawala ng malay niya, hindi namin nakita na nasasaktan siya kun' 'di ang nakita lang namin ay takot at paninisi at ngayon ay gising na ulit.
"Pasensiya na kayo, ganito talaga ito kapag nakakakita ng dugo,"
"Pero kapag sa school po, hindi siya ganiyan," sabi ni Kian.
Oo tama, noong napadugo niya ang ilong ng Captain ng volley ball player.
"If she did it on purpose wala lang talaga, pero kapag hindi sinasadya or what, ganiyan, matutuliro, which is weird," sabi ng kuya niya na parang wala naman itong narinig dahil tulala pa rin.
"Is she okay?" tanong ko kay Clynt.
"Oo, maya maya lang okay na 'yan," aniya at nagpaalam, "kuya, ligpitin ko na ang kalat na nabasag ni Gheo."
"Just be careful Jo," pagpapaingat ni kuya Harry.
Pinanood naman namin si Harra na ganoon pa rin, walang karea-reaksiyon, hanggang sa matapos na ni kuya Harry ang ginagawa niya sa kamay nito. Tulala naman ito sa kaniyang kamay.
Napasinghal si kuya Harry at pinisil ang sugat ni Harra.
"Aww! What the hell!" sigaw nito.
"Good to be back," sabi ng kuya niya na ikinakunot noo niya.
"Hinugasan mo na nga, nilagyan mo pa ng alcohol, mamimisil ka pa, sabihin mo kuya, paano ka nakapasa?" sabi nito at umirap.
"Yeah, she's okay now," pasiring na tinignan ni kuya Harry ang kapatid na ikinatawa namin.
"Ang sakit no'n"
"Sino ba kasing tatatanga tanga na nakabasag ng baso at nasugatan ha?"
"Kasalanan nung baso, nasaktan din 'yon, bakit 'di mo rin gamutin?" sabi naman ng isa.
"Ang OA mo, just be thankful you're okay now, you don't know how worried I am seeing you like that," tinutukoy siguro nito ang inasta ni Harra kanina, na sinasabi niya ang kasalanan daw niya.
Tumawa naman ng mahina si Harra at tumayo at niyakap ang kapatud.
"Sorry na, joke lang naman eh, pero ang sakit kasi," sabi nito na parang batang nagsusumbong, nagkatinginan naman kami ni Kian at tinignan ko siya na parang sinasabi na 'Kita-mo-na-sweet-siya', ngumiti naman ito at tumango tango.
"Just be careful next time, okay?" paalala nito at ginantihan ito ng yakap, tumingala naman si Harra at ngumiti.
"I promise,"
"Sige na, magsishower na kayo," sabi ng kuya nito and kiss Harra's forehead, bago ito kumalas.
"Kian and Leighton, follow me kuha tayo ng pamalit niyo," tawag sa amin, at tuwang tuwa naman itong kapatid ko.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Teen FictionBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...