[Gheoharra's Pov]
"Nanay, may brain cancer po ang anak niyo," sabi ko sa ina ng aking pasyente.
She gasped at hindi alam kung ano pa ang sasabihin.
"I can help you po nanay, sa ibang bansa natin ipapaopera ang anak niyo, kami na ho ang sasagot sa lahat—" ipinaliwanag ko sa kaniya
"Kahit ano Doc. Medina, kahit gaano kamahal magbabayad ako para sa anak ko," sabi ng ina ng pasyente.
"Good to hear that ma'am, appoint a meeting to Doc. Gheoharry para mapag-usapan ninyo kung kailan, just tell him that I am your daughter's doctor,"
"Thank you Doc." .
Bago pa mangilid ang luha ko ay nagpaalam na ako sa mag-ina at dumeretso sa opisina ko at doon muna nag-stay.
Off ko today but I chose to work.
'It's been a decade Ton since the day you left.'
Bumuhos ang luha sa aking mata.
"I miss you," naibulong ko habang nakatingin sa litrato naming dalawa.
How can I forget the day you left and until now ay umaasa ako na babalik ka kahit matagal na akong walang balita
sa 'yo.I lost contact with everybody.
Ayokong isipin na wala na pero hindi ko maiwasan.
*FLASH BACK*
"Bukas na ang alis ko baby, ihahatid mo ba ako?" He asked.
"Gusto ko mang gawin 'yon Ton, pero baka pigilan lang kitang umalis, hindi ko kaya na lumalayo ka, kaya kahit gusto ko, ay mananatili nalang ako sa bahay," malungkot na sabi ko.
He smiled at me.
"Ayoko ding nandoon ka, baka pilitin ko ang sarili kong tumayo at pumunta sa 'yo, at mag-stay nalang, iniisip ko palang na aalis ako, parang ikamamatay ko na,"
"Leighton naman eh, hindi ba sabi ko huwag mong sabihin 'yan?!" Medyo inis na sabi ko.
"Sorry" sabi niya and chuckled.
Napanguso ako at nag-iwas ng tingin, naiiyak na nga ako, ganiyan pa siya.
"Joke lang mahal ko, magpapagaling ako, babalik ako promise," sabi niya.
Humarap naman ako sa kaniya.
"Ipagdadasal ko Tonton na maging successful ang operasyon mo," sabi ko sa kaniya.
"I will pray for myself too," sabi niya at hinawakan ang muka ko.
"Gabi na Gheo, magpahinga ka na," sabi niya.
"Hihtayin kitang makatulog bago ako umalis," narinig ko ang mahina nitong buntong hininga.
"Can I have my goodnight kiss then?"
Since madalas na kami lang ang nandito sa kwarto niya I can kiss him without hesitation.
Hinahayaan kasi nila kami na sulitin ang oras bago siya umalis. He's getting weaker day by day kaya naman minadali ang pag-alis niya at iyon ay bukas na.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Novela JuvenilBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...