Dedicated to Aliliport
[Leighton's Pov]
"Nay," pagtwag ko kay nanay pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay.
"Anak, dito sa kusina," sigaw nito, kaya naman agad akong pumaroon, "nay, sleep over po ako ulit sa bahay ng kaklase ko, baka bukas na po ng hapon ako uuwi, kailangan kasi naming tapusin iyon eh," sabi ko.
"Gano'n ba? Kumain ka na muna dito ng hapunan," aniya ngunit sinabi kong huwag na dahil baka matagalan ako.
"Oh sige, magpaalam ka din sa tatay Callixto mo," aniya.
"Oho,"
Kumuha ako ng gamit ko at inilagay sa bag ko, tinanggal ko ang mga notebook na hindi kailangan at iniwan ang mga libro doon na gagamitin namin at 'yong pinasulatan namin at nilagay ko na din ang damit ko na gagamitin ko bukas.
Agad na akong nagtungo sa banyo upang magshower at nagsuot na ng pambahay, nang matapos ako ay lumabas ako ng kwarto dala ang bag ko at nakita ko si nanay na naghihiwa ng sibuyas.
"Mauuna na ako nay," sabi ko at humalik sa pisngi niya.
"Mag-iingat ka, ang tatay mo nasa likod," tinanguan ko naman siya at dumaan sa likod papunta kay tatay.
"Tay, aalis na ho ako, doon ako ulit sa bahay ng kaklase ko, magpapaalam lang ho sana," sabi ko, itinigil naman niya ang ginagawa niyang pagligpit sa gamit niya.
"Mag-iingat ka," sabi nito at tinapik ako sa balikat.
"Sige ho, mauuna na ako," paalam ko at lumabas na, nagtricycle na ako papunta sa village nila at naglakad nalang papasok.
Agad naman akong nakita ni kuya Howard na kasalukuyang nagca-car wash, automatic namang nagbukas ang gate nang may pindutin si Manong Howard sa kung saan.
"Tuloy na iho," sabi ni manong kaya naman nakangiti akong tumuloy.
"Oh iho, maupo ka muna diyan at tawagin ko si Harra," ani ni manang Elnita.
Humakbang naman si manang sa may hagdan at umakyat hanggang sa gitna at tumingala.
"Iha, nandito na ang kaklase mo, bumaba ka na riyan!" sigaw ni manang.
"Oho! Bababa na poooo!" mahinang sigaw ang narinig ko, marahil ay nasa ikatlong palapag ito, maya maya pa ay nakarinig na ako ng yabag pababa at ayun nga siya mabilis na naglalakad pababa.
"Kain na muna kayo," napatingin pa si Harra sa relo niya.
"Manang alas-sais palang naman, dalhan mo nalang po kami sa taas, pwede ho ba?" sabi ni Harra.
"Sige, sige, walang problema,"
"Tara na sa taas, magpaalam ka na sa couch," nasamid pa ako, kaya siya natawa.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Teen FictionBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...