CHAPTER 42

1K 73 59
                                    

[Leighton's Pov]

Mabilis ding natapos ang maghapon at heto na kami naglalakad ni Gheo papunta sa parking lot.

"Pwede bang dumaan tayo sa kotse ko saglit?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman ito agad.

Kaya naman naglakad kami papunta doon, mula sa malayo ay nakita kong nagtutulakan sina Ajey, Gelina at Clynt at nagtatatakbong si Kian, Wildayne at Ford papunta sa likod ng building.

"Anong nangyayari sa mga 'yon?" Tanong ni Gheo habang nakatingin sa tinitignan ko.

"Nagdidrill siguro?" Patanong kong sabi.

"Drill para saan?" She asked, napailing naman ako,

"Don't mind them," sabi ko at naglakad kami sa kotse ko.

Binigay ni papa, tinaggihan ko noong una pero ipinilit niya, kaya naman tinanggap ko na.

Doon na ako sa bahay nila tumitira.

Nang makarating kami sa kotse ko ay sinabi kong may kukunin lang ako.

Nang makuha ko ay 'tsaka ko ibnigay sa kaniya.

"Ano 'to?" Tanong niya sa isang box na hindi ganoon kalaki at hindi din gano'n kaliit.

"Mamaya mo bunuksan halika, may ipapagawa ako sa 'yo," sabi ko.

"Eh?" Nagtataka nitong tanong.

"Mula dito sa kinatatayuan natin ay ang gitna ng building na iyan tama?" Tanong ko.

"Oo, tapos?" parang hindi interesadong aniya.

"Gusto kong tumakbo ka papunta sa likod ng building na iyan dito ka sa kanan at ako naman sa kaliwa." Paliwanag ko.

"Maglalaro ba tayo?" hindi ko talaga alam kung epektib ba itong pinapagawa ko sa kaniya.

"Oo, kaya kapag nanalo ka, may naghihintay na regalo doon sa likod, ano game?" nakita ko ang excitement nito sa mata pero agad djng napawi.

"Pinaglalaruan mo naman ata ako eh," pagdududa niya

"Hindi, dali na, ano game ba?" natatawa kong tanong.

"Oh sige na nga, kapag ito kalokohan, sinasabi ko sa 'yo, kakalbuhin kita," I laughed and shook my head.

"Sige, ready na ako," sabi niya.

Ngumiti naman ako.

"Ready, get set, go!" Sabi ko at agad naman siyang tumakbo. Siya ding pagtakbo ko papunta sa kaliwa na sinalubong ako ng nakascooter na si Ford kaya naman umangkas ako at ibwinelta niya papunta sa likod.

Agad din akong bumaba at umayos na ng tayo sa dapat na tagpuan namin.

I'm a bit nervous but then ako parin ang nauna.

[Gheoharra's Pov]

Putek! Hinihingal na ako katatakbo, ano kasing pakulo ni Tonton? At may paganitong laro.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon