CHAPTER 34

1K 84 59
                                    

[Gheoharra's Pov]

"Ikaw na naman?" Inis na tanong ng Principal sa akin.

"Hi sir, kumusta? Namiss ko po kayo," sabi ko at tumawa.

"Ano na naman ginawa mo?"masama na ang tingin niya sa akin..

"Binato ko po ng tennis ball ang muka ni Shayne," siyempre honest ako.

"Bakit mo naman ginawa iyon?"

"Eh, ibinalik ko lang naman po ang bola," magalang pa ako niyan ah.

"Ganoon ba ang magbalik?" Tanong niya.

"Ah sir, kasi po nauna si Shayne, binato niya ng bola si Harra habang kumakain kami," sabat ni Leighton.

"At nandoon ka Mr. President?"

"Yes sir,"

"Hindi mo man lang napigilan si Medina? Ikaw ang nadoon, wala kang ginawa?" , bahagyang nangunot ang aking noo sa pamamahiyang ginawa niya.

"Sorry dean," pagpapaumanhin niya na ikinainis ko lalo.

"Ah kasi sir, hindi ako nagpaawat, inawat niya kaya ako, kaso ako ba naman ang awatin, si sir parang hindi nasanay," I tried to be sound jolly.

"Call Shayne's parents, ako na bahalang kumausap sa kuya mo, I know that your parents are out of town," sabi niya sa akin.

"Roger," sumaludo pa ako at nginisian si Shayne.

Hindi na kataka taka ang mga ganitong nangyayari sa akin, na bigla bigla may aatake from my back, gumaganti lang sila or 'di kaya ay mga insecure sa akin.

Napakahirap kasi maging ako eh.

Try mo ako gayahin pusta ko isang milyon, hindi mo magagawa, good girl ka e', ayaw mo maoffice, teacher's pet ang iba pa sipsip.

Mabilis lang natapos ang aking kaso dahil si Shayne ang ginisa ng todo.

Deserve!

At dahil bakante namin ngayong unang period ng hapon ay hinila ko na palabas si Leighton ng Office.

"Where are we going?" He asked.

"Somewhere, hindi ba it's your job to check the students kapag ganitong bakante? Gusto ko sumama at makita kung paano mo 'yon ginagawa ko," sabi ko naman sa kaniya.

"It is just simply looking at them if safe ba, kung ano ang ginagawa and give an order to the coordinators per section to look after their classmates,"

"Ahh ganoon pala 'yon, eh ano naman mangyayari kapag?" I asked.

"Well, nagrereport sila kapag may hindi magandang nangyari," sabi niya.

"Meron naman ba?" I asked.

"Oo naman meron kaya nga lagi ka sa guidance," sabi niya kaya napanguso ako.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon