[Gheoharra's Pov]
"Okay, review for 15 minutes," napaangat ang ulo ko sa gulat dahil sa sinabi ng guro, kagigising ko lang pero magrereview daw, ha? bakit?
Nakamaang pa rin akong nakatingin sa pisara, "oo may quiz magreview ka na, hindi kita pakokopyahan," sagot ni Jonah sa nagtatanong kong itsura, putek. Agad kong kinuha ang notebook ni Jonah, at nagbasa na lamang, alam ko namang alam na niya eh.
Wala lang trip ko lang magbasa, ano ba 'to?
Kunot noo akong nagbasa kahit wala naman talaga akong makukuha sa quiz na ito, oo nga, why bother to review?
"Miss ang hahaba naman ng mga tanong?" reklamo ko nang ibigay na niya ang questionaires.
"Naku Medina, magsagot ka nalang diyan," sabi niya kaya naman sumimangot akong yumuko sa questionaire.
"Halla 50 items," napalakas pa ang pagkasabi at tumingin kay Miss sa harap, natawa naman sila dahil sa itsura ko dahil alam kong nakanganga ako.
Nanlulumo naman akong dumulog sa papel at nagsimula na lamang na sumagot.
Bahala na, isasagot ko nalang kung ano ang alam ko.
"Miss tapos na ako," multiple choice lang naman eh, basic.
"Ano Harra, basta bilog ba?" pang-aasar nila sa akin.
"Nagbasa ako 'no," pagyayabang ko at iiling iling naman si Miss na kinuha ang papel ko.
"Ikaw Medina, ayos-ayusin mo ang pag-aaral mo, first Sem palang naman, humabol ka," napanguso naman ako dahil sa sinabi ni Miss.
'Nakakapagod naman pong maghabol Miss, choss'.
"Si Miss naman," atungal ko at naupo na ulit.
Lumipas ang ilang sandali ay tapos na ang lahat at nagchecheck na si Miss ng papel namin.
"While I'm checking, kindly please, write your names on a one-fourth sheet of paper," utos niya sa amin.
"Jo---"
"Oo, alam ko, tsk," pinangunahan na ako dahil alam niyang magpapasulat ako ng pangalan, natatawa naman akong tumango at nakatanggap ako ng irap.
"Sawamach," pagpapakyut ko at inismiran lamang ako.
"Hindi mo bagay, ang pangit mo," panlalait niya sa akin, hindi nalang ako kumontra at tumawa nalang baka hindi ako gawan eh.
"Pati pagsusulat lang ng pangalan, ay tatamarin ka," hindi ko alam kung sasagutin ko pa siya o hindi na baka kasi punitin niya papel ko eh.
"I love you Jo,"
"I love you mo muka mo," sabay irap.
Maya maya pa ay pinakolek kay Kian ang mga one-fourth namin.
"Okay here's your score, wala namang bagsak, dahil 30 ang lowest,"
"Owkeyyy, ako na 'yon," pag-amin ko, at palong-palo talaga iyon dahil hagalpak sila ng tawa.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Teen FictionBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...