CHAPTER 23

1.1K 81 30
                                    

[Leighton's Pov]

"Leighton," tawag sa akin ni Gelina, alam kong siya na iyon, boses pa lang, kilala ko na, bago pa ako makalingon ay nahawakan na niya ang braso ko.

Lumingon ako at dahan dahang tianggal ang kamay niya sa braso ko dahilan para mapayuko ito.

"Gusto ko lang naman sabihin sa 'yo na good luck," sabi niya habang nakayuko, inilagay ko naman ang dalawa kong kamay sa balikat niya, dahilan para mag-angat siya ng tingin.

"Thanks, good luck din sa 'yo," balik ko, "happy na ako 'pag nanalo ka," I laughed, ang corny, I tapped her head, "mananalo ka, claim it," she giggled "sige mauna na ako," malapad ang ngiti nito.

Tinanguan ko naman siya at ayun tumalikod na siya, sandali pa ay nakita ko si Harra na sinundan ng tingin si Gelina 'tsaka bumaling nalang sa kaniyang harapan.

Sandali pa ay napalingon siya sa kaniyang likuran at nandoon si Leighjie, nakangiti niyang kinakausap ito habang nakayuko si Leighjie na parang nahihiya, ginulo pa nito ang kaniyang buhok, natawa naman ako, akalain mong may bait itong tinatago.

Ilang sanadali pa ay nakita ko ang kotse na ginagamit pang sundo kay Harra, agad na din akong umalis.

Dumaan pa ako sa harapan ng Abrenica Company, nalingunan ko ang lalaking nakabusiness attire na ini-escortan ng body guard papasok ng kotse niya, nang makaalis ito ay umuna na din ako.

"Nay, nandito na po ako," sabi ko pagdating ko sa bahay at nagmano na kasalukuyang nagwawalis sa bakuran.

"Late ka ata ng uwi ngayon?" tanong niya.

"May dinaanan lang po ako nay," sagot ko.

"Gano'n ba? 'Nga pala, hinahanap ka nina Maliah at Brent, papaturo daw sila sa 'yo," sabi ni nanay.

"Nasaan po sila?" tanong ko, "nandiyan sa loob, nag-aaral," aniya habang nagwawalis kaya nagpaalam na din ako para puntahan ang dalawa, pagkapasok ko ay naabutan ko si Maliah at Brent na nag-aaral sa maliit naming sala.

"Kuya," sabay nilang bati nang makita ako.

"Papaturo po sana kami dito sa science," sabi ni Liah.

"Oh sige, sandali lang at magpapalit lang ako," pumasok ako sa kwarto ko na malapit lang sa kusina, at gaya ng sabi ko ay nagpalit ako at binalikan silang dalawa at tinignan kung ano nga ba iyon.

Agad ko namang ipinaliwang kung paano ang gagawin hanggang nakuha din nila.

Si Liah at Brent na ang itinuring kong kapatid simula noong dito na ako tumira, ako din ang nakalakhan nilang kuya.

Sandali pa ay nakita ko si tatay na may hawak na palanggana pagkapasok mula sa kusina.

"Tay ano po 'yan?" tanong ko.

"Manok, aadobohin daw, pinakatay ng nanay mo ang isang inahin dito para sa hapunan," sagot niya sa akin.

"Tulungan ko na po kayo," prisinta ko, "ako na po kuya," sabi naman ni Liah kaya binalingan ko.

"Tapos ka na ba diyan?"

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon