[Leighton's Pov]
Nagising ako ng alas tres ng madaling araw pakiramdam ko ay nauuhaw ako kaya naman lumabas ako ng kwarto at uminom dito sa kusina.
Binuksan ko din ang ilaw para maliwanag, naupo muna ako habang pinaglalaruan ang baso kong wala ng laman.
Napalingon ako sa kwarto nina nanay nang bumukas iyon at nakita ko si nanay na inaantok na lumabas.
"Oh, iho ikaw pala, ang aga mo naman nagising?" tanong ni nanay.
"Nauuhaw lang po ako 'nay," sagot ko.
"Kayo ho?" Tanong ko.
"Naalimpungatan ako anak, at nakita kong nakabukas ang ilaw dito, akala ko ay nakalimutan ng tatay Callix mong patayin kanina kaya naman papatayin ko sana," sabi niya at lumapit para umupo din sa tapat ko.
Bigla kong naalala ang usapan namin ni mama no'ng biyernes.
Napabuntong hininga ako.
"Nay," tawag ko, nakatingin lang naman si nanay sa akin na parang binabasa kung ano ang iniisip ko.
"Si mama, nasa school no'ng friday," sabi ko at ngumiti.
"Nakausap ko din po at pinagyabang ko pa nga ang award ko," sabi ko at tumingin kay nanay kasabay ng pagbagsak ng luha ko.
Napabuntong hininga si nanay at hinawakan ang kamay ko, ngumiti ito na sinasabing ituloy ko lang.
"Nanay, maaayos pa kaya kami nina mama? Matatanggap din niya kaya ako balang araw? Nanay ang sakit sakit kasi e' ang sakit." Sabi ko pa..
"Sinampal din po ako ng pera nanay, akala niya ay pera ang habol ko kaya ako lumapit, hindi ko po tinanggap, kundi ay ibinalik ko pa po sa maayos na paraan," para akong nagsusumbong na bata, wala e' nasasaktan ako.
"Nanay bakit po gano'n? Bakit ayaw nila sa akin? Akala ko po ba ay walang magulang na kayang tiisin ang anak? Akala ko po ba--" hindi ko matapos ang sinasabi ko dahil sa parang mayroon ng bumabara sa lalamunan ko.
Pinilit kong huwag lumikha ng ingay para hindi magising sina tatay.
"Gusto ko lang naman pong makilala sila, naiintindihan ko naman 'yong kailangan ay hindi mabahidan ng dungis ang kanilang imahe, pero ang nais ko lang ay kahit itrato nalang nila ako bilang isang bata," sabi ko.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni nanay.
"Ayoko sanang sabihin ito, ngunit kailangan anak, pinagbubutis ka palang ng iyong ina ay ayaw na niya sa 'yo"
[Author's Pov]
Tumindi ang sakit na nararamdaman ng binata sa sinabi ng kaniyang nanay.
"Kaibigan ko si Marga iho, kaming tatlo nina Hivary, magkakaibigan kami," panimula ng kaniyang nanay.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Teen FictionBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...