[Gheoharra's Pov]
"Salamat sa pagdamay,"
"Anytime, para sa 'jowa' ko," nakangisi ko pang sabi, natawa naman siya at ginulo pa ang buhok ko.
"Kiss me," sabi niya at ngumuso.
"Sira," at sinuntok pa ito sa braso.
" Jowa' mo ako 'di ba?" tanong niya pero inirapan ko lang siya at inaya na ito, "tara na nga, puro ka kalokohan eh," na agad namang narebutt, "wow, nahiya ako sa 'yo ah," tumawa ako at hinatak na siya pabalik sa opisina ni Miss Hayami at mukang matagal ng natapos ang dalawa at wala na din si Miss dito.
"Anong nangyari at parang umiyak yan?" nakaturo pa si Jonah kay Leighton habang sinasabi 'yon.
"Paano kasi, napuwing ng kahoy, hirap na hirap naming tinanggal," I lied, "ang sakit nga ng mata ko eh," sabi at umarte pa itong masakit talaga.
"Hindi kasi nag-iingat," singhal ni Kian at inirapan si Leighton na para bang nakababata niyang kapatid.
"Patingin," sabi nito at hinawakan ang muka ni Leighton at tinignan ang mata.
"Which one?" masungit pa rin niyang tanong.
"Kuya," asik ni Ton.
'Kuya?'
"I said, which one!?" pamimilit niya dahil ayaw sabihin ni Leighton, "fine, I cried not because of the piece of wood," pag-amin niya, nakatingin naman si Kian na nag-aabang sa susunod na sasabihin ni Leighton.
"Nagkwento kasi ako about sa buhay ko, my background, hindi ko lang naiwasan umiyak," sabi nito na parang nagsasabi sa kapatid.
"Pero--"
"You're safe," agad nakatanggap ito ng batok mula kay Kian, "aray!" daing ni Leighton.
"Nagkwento ka na nga lang din, hindi mo pa kinompleto," hinimas niya ang batok niya at ngumiwi.
"Ah, ano ba iyon?" si Jonah naman ang nagtanong na maging ako ay naguguluhan na.
"We're siblings, half siblings," sabi ni Kian dahilan para mapamaang kami pareho ni Jo.
"Oo, magkapatid kami sa ina, mas una lang ako ng isang taon sa kaniya, pero hindi alam ni mama na alam ko na kapatid ko siya," kwento ni Kian at masungit pa ring nakatingin kay Leighton na hawak-hawak ang batok.
Hindi kami nakaimik ni Jonah dahil ang shocking ng revelation na ito.
"Ayos lang ba talaga?" tanong ni Leighton, ngumiti naman si Kian at inakbayan ang 'kapatid' mas matangkad naman kasi ito ng ilang pulgada.
"I'll be the happiest brother kapag nalaman ng lahat ng kapatid kita," sabi nito.
"Pero, si mama" sabi ni Leighton na parang batang nagkaroon ng kasalanan sa ina.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Ficção AdolescenteBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...