CHAPTER 6

1.7K 121 33
                                    

Dedicated to BOBITA20

[Gheoharra's Pov]

*4:30 PM*

Nandito na ako sa gymnasium hall, kadugtong ng basketball court, gano'n kasi kaluwang ang hall na ito dito sa school, ito ang ginagamit every events, kahit gaano karaming estudyante ay magkakasya.

Hinihintay ko na ang mga kasamahan ko, kaya naman ay pumunta na muna ako sa CR at nagpalit ng uniporme namin, para makagalaw kami ng maigi, sandali pa ay, isa-isa nang nagsidatingan ang mga kasamahan ko.

"What's up, naks, nakakaexcite," ani ng isang lalaki kong miyembro, ilang sandali pa ang lumipas at sunod sunod na silang nagsidatingan, yung mga naunang dumating kanina ay pinagbihis ko na.

"Magsipalit na agad, hurry move," sabi ko habang ipinapalakpak pa ang kamay ko, agad naman silang tumalima at nagsipagpalit at nang masiguro na kumpleto na ang lahat ay agad ko ng sinabi ang sadya kung bakit nga ba kailangan naming bumuo ulit ng sayaw.

Dahil iyon sa susunod na intramurals, kakaiba kasi ang intramurals na nagaganap para itong Tournament kaso selebrasyon lang, kasabay ng iba't iba pang paaralan, may kompetisyon din, at alam namin na gagawin namin ito sa laro ng basketball.

"Maliwanag ba?"  I asked.

Sumagot naman ang mga ito na "oo" "opo" "yes" "yeah" at may sigaw sigaw pa at palakpak.

"Magsiwarm up na, at gagawin muna natin 'yong huling cheerdance natin," I instructed while operating the speaker.

"Oh? Mag-eensayo kayo?" tanong ng bruhilda kong pinsan.

"Hindi pwede pangit dito, lumayas ka," she laughed sarcastically.

"Huwag na, matatalo din kayo," pangiinsulto niya, walang naglakas ng loob sa mga miyembro ko na sagutin siya, pero gano'n nalang ang pagkuyom ng palad nila.

"Kailan pa kami natalo?" puno ng bahid ng yabang kong sinabi, she rolled her eyes, "ngayon," she said.

"Alam mo Ank, naghahanap ako ng ka-sparing, pwede ka?" tanong ko sa kanya, at pomustura pa na aatake na, kaya naman umatras ito.

"Gusto mo ba ma-office ulit? Ayun lang si Pres oh," nguso niya sa may court kung saan nag-eensayo ang basketball team.

"Who cares?" inambahan ko siya ng sipa at agad naman itong namutla.

"Cu-curse you bitch!"

"Matatalo kayo, I swear," sabi nito at mabilis na umalis.

"Grabe talaga ang bruha na iyon," 

"Napakayabang, nakakainis,"

 "Don't mind that bitch, move, move, assemble," agad naman silang tumalima sa sinabi ko.

So ayun nga nagsimula kami, heto ako nagbibilang, nagkocorrect, nag-iinstruct sa kanila.

"Uii manonood kami ah," sulpot nina Jo, Gel at Jey at tinanguan ko naman sila.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon