[Gheoharra's Pov]
"Ano bang problema mo Harra?" Tanong sa akin ni kuya.
"Nothing, wala lang ako sa mood pumasok kuya," sabi ko at parang lantang gulay na nakahiga dito sa backseat.
"Nandito na tayo Ava, labas na," napabuntong hininga naman ako at lumabas na lamang ng kotse.
Naglakad ako na parang zombie, nakita ko pa si Gelina pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin at nagtuloy tuloy sa paglalakad papunta sa room namin.
Pagkarating na pagkarating ko ay agad akong pumasok, walang lingon lingon, walang bati bati at parang walang tao sa paligid na naglakad papunta sa upuan ko.
Nakita ko pa ang pagsunod ng tingin nina Kian, Jonah at Leighton sa akin, ngunit isinawalang bahala ko na lamang at naupo at yumuko sa mesa ko.
"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Leighton.
"Yeah," sagot ko lang at hindi na sila kinibo pa.
Nanatili lang akong nakayuko hanggang sa dumating na ang guro, bumati at tinanong kung bakit na naman ako nakayuko.
Salamat kay Jonah na nagsabing hindi maganda ang pakiramdam ko, which is true, but not physically.
They asked me to go to the clinic but I refused.
Napapikit na lamang ako ng mariin habang pinapakinggan sila ng wala akong nakikita.
Kung ano man ang itinuturo ng guro ng ayon ay wala akong naiintindihan at wala akong balak intindihin.
Ayos na ako dito, kailangan na kailangan kong magpahinga kahit hindi naman ako pagod.
Nakakainis, bakit ba ako nagkakaganito?
Napakalabo naman kasi!
Sa loob ng dalawang oras na dalawang klase ay nanatili akong nakayuko, wala akong balak makipagparticipate sa klase namin ngayong araw na ito.
Hindi din ako lumabas para sa recess kahit niyayaya nila ako, nagkunwari akong wala akong naririnig at tulog.
Narinig ko nalang na nagkayayaan sila.
Sila nalang ang magmeryenda.
Nang maramdaman kong wala ng nandito ay doon lamang ako nag angat ng tingin at bumuntong hininga, iginala ko ang tingin ko at nagulat ako kasi hindi pala ako nag iisa dito.
Si Kian ay nakaupo sa likuran ko, ngumiti ito sa akin at tumabi.
"May problema ka ba?" He asked.
"Wala naman," tinatamad kong sagot.
"Halata ka eh," umiling nalang ako at tumingin sa labas ng bintana.
"May ikukwento ako sa 'yo," lumingon naman ako at tinanguan siya.
"Merong isang gabi na nasa bar ako, tapos nakita ko ang dalawang kaibigan ng kaklase ko doon," sabi nito, hindi naman ako interesado pero hinayaan ko lang.
"Lasing na lasing 'yong kaibigan niya at hindi na niya alam ang gagawin kaya lumabas at tinawagan ang isa pang kaibigan," nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Sa oras na iyon, bago pa makadating ang kaibigang tinawaga, nakapasok na ang lalaking kaibigan sa bar,"
"Nakita ko na sobrang nagalit ang lalaki dahil sa nakita niya sa babaeng sobrang lasing, bago makasapak ang lalaki ay dumating ang kaibigang tinawagan no'ng isa at nakita na niya ang nangyari bago pa niya malapitan," naging masama ang tingin ko kay Kian pero nakangisi lang nitong itinuloy ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Teen FictionBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...