CHAPTER 16

1.2K 82 32
                                    

[Gheoharra's Pov]

"Sa meeting namin kanina, the tournament will be moved on October, kasi may ibinaba mula sa district na magkakaroon ng Quiz and Spelling bee, debate, impromptu speech, impromptu spoken poetry iyon ay for grade 11 seniors lamang," sabi ni Cher Emress.

"Hindi na isinali ang mga graduating dahil sa mga researches nila, iba lang din sa juniors at dito gaganapin, makakalaban niyo ang ibang schools, at dahil ilang araw nalang ay August na, kailangan ng represenative sa quiz and spelling bee at dito sa section niyo kami kukuha," dagdag niya.

"Kailangan na itong paghandaan, so any volunteer, 2 representive for quiz bee, same through with spelling bee," sabi ni Cher at itinaas pa ang kamay.

"Cher," sabay sabay na nagsitaasan ang tatlo, Kian, Jonah and Leighton, ano pa nga ba? Napahikab nalang ako, bahala sila diyan, wala akong pake.

Yumuko ako at handa na ulit matulog.

"Cher kulang pa ng isa," dinig ko.

"Hmmm, sino pa may gusto?" .

"Okay Medina, ikaw na ang pang apat,"

"Ano!?" sigaw ko dahil sa gulat kasabay ng pag-angat ng ulo ko.

"Bakit ho ak--anak ng!" halos mapamura ako nang makita ko si Jo, Leighton at Kian na nakaturo sa akin.

"Cher naman bakit ho ako? Nandiyan si Aliyah oh, si Autumn, si Ginger, 'yong mga honor students, ba't ako?" reklamo ko.

"Nandiyan naman ang boyfriend mo at pinsan mo, tutulungan ka nila, kaya mo yan, at isa pa, sila ang nagturo sa 'yo," sabi ni Cher, agad kong sinuntok sa braso si Leighton na katabi ko.

"I hate you," kingina! sarap mong supalpalan, "aww, I love you too," ayan ka na naman, ang saya siguro kapag nabali kita.

Umani na naman iyon ng paangangantiyaw at si Cher pa ang nangunguna, feeling teen ager, napayuko ako sa hiya at ramdam ko din ang pag-iinit ng pisngi ko, inis ko namang tinignan si Leighton na may nakakalokong tingin.

"Fuck you!" bulong ko, pero tumawa lang siya at kinindatan pa ako, peste.

"Bahala kayo diyan!" pagtatampo ko dahil sa ginagawa nila sa akin, "halla, mahal"

'Nyeta'

"Gusto mo ba akong ipartner nila ako sa iba?" I looked at him with disgust inirapan ko naman siya.

"Anong iba? Iba ba si Kian sa 'yo?" sabi ko.

"Babe, sila ni Clynt ang pares," lumalalim ang tingin ko sa kaniya dahil sa pang-aasar niya.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon