CHAPTER 13

1.2K 96 42
                                    

[Leighton's Pov]

Nang madala ko si Harra dito sa clinic instead na sa Office ay pinakuwento ko sa kaniya ang nangyari at naiinis ako dahil ako ang dahilan.

"Then nakita daw niya tayo noong sabado sa park, sa may crossway, no'ng halikan mo ako at yakapin, so she think na tayo na," bawat kwento niya ay pag-irap.

Napahawak ako sa tulay ng ilong ko dahil sa inis.

"She thought I betrayed her," walang kabuhay buhay na aniya.

"Then bakit may bakat ng palad sa muka mo?"

"She slapped me malamang," sabi nito pana para bang ako na ang pinakabobo na nakilala mo

"I mean, eh bakit ka nga sinampal?"

"Ngalit siguro siya akin kaya sinampal ako—" sabay irap ulit, "sinampal ako matapos kong sabihin na desperada siya at makapal ang muka at---"

"Then what did you do!?" nakita ko ang gulat, sana lang ay huwag niyang bigyan ng kahulugan ang inasta ko.

"I punched her in her jaw," nag-iwas pa ito ng tingin matapos niyang sabihin iyon.

"You did--what!?"

"Ano ba? Nakakahalata na ako sa 'yo ah, may gusto ka do'n 'no? Takteng 'to, 'tutulak tulak mo palayo tapos concern ka naman masiyado," sabi nito na lalo kong ikinainis.

"What you did was wrong,"  napamaang naman siya siya dahil sa sinabi ko agad ko iyong pinagsisihan.

"So 'yong pagsampal niya sa 'kin ay tama?" she's ready ti gumble me if I utter for another word kaya sinubukan ko uling magsalita ng may pag-iingat.

"Look, mas may kaya ka, sampal lang sa kaniya pero ikaw sinapak mo sa panga, eh paano kung nainjured--"

"Eh kung ikaw ang sampalin ko ng tatlong beses, at isagad ko ang bawat pagsampal, hindi ka gaganti? Isang beses nga lang sa akin eh," natutop ako sa gulat, she's breathing heavily and looking at me with rage.

"I'll talk to her," tangi kong tugon sa sinabi niya.

"Lalong magkakandarapa sa 'yo 'yon kung kakausapin mo, knowing Gelina, makitid ang utak pagdating sa ganiyang bagay, binibigyan niya ng kahulugan lahat," hindi na siya nakatingin sa akin.

"What should I do then? Ayokong nadadawit ang pangalan ko sa away ng kung sino, at ayoko ding makasira ng relasyon lalo na ang pagkakaibigan niyo," tumawa ito ng peke at umiling.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon