CHAPTER 3

2.3K 187 37
                                    

[Gheoharra's Pov]

Nagising ako kinabukasan at heto nga biyernes na, P.E lang maghapon, kaya naman ay naligo na ako nang gisingin ako ni kuya at sabay na pumaroon sa school.

"Woi hindi ka na naman sasali?" tanong ni Ajey, kaibigan ko sa kabilang section nga lang siya.

"Hindi ako interesado," sabi ko, naglalaro lang naman sila ng volley ball heto lang ako nakaupo sa lilim ng puno habang abala ang buong senior sa kaniya kaniyang sport na nilalaro.

"Ahy put--!" halos mapamura ako nang ibato ni Gelina ang bola buti at nasalo ko, kasabay naman no'n ay napahiga ako sa bermuda habang yakap ang bola.

"What the hell Gelina!" asik ko sa isa pa naming kaibigan, na ngayo'y nakapamewang at ngingisi ngisi.

"Come on Gheo, hinahamon kita," 

"Ah talaga ba Gelina Abrenica?" isa pang kaibigan, magkaklase sila ni Ajey, kami naman ni Jonah.

"Ayoko, kayo nalang," sabi ko at ipinasa ang bola sa kanila, pero napayuko naman ako nang ibalik nila iyon at tumama sa bunbunan ko, napahimas ako sa akong ulo at sinamaan ko sila ng tingin.

"Tumanggi manlilibre," banta nila kaya napahikab lang ako.

"Sige lang," muli akong sumandal sa katawan ng puno.

"Anak ng! Nakakadalawa na kayo ah!" sabi ko ng batuhin na naman ako ng panibagong bola.

"What was that for?!" asik ko pa.

"Yabang mo ulul!" sabi ni Gelina.

"Ah ganiyanan ah," pikon na sabi ko at pinulot ang bola at walang alinlangang ni-spike 'yon sa gawi nila.

Malakas ang tawa ko ng matamaan si Gelina at naatrasan si Ajey kaya natumba sila at nadamay si Jonah.

"Fuck you Gheo!! That's fuckin' hurt!" sigaw niya sa akin at tumawa lang ako sa kanya, wala lang iyon sa 'min, biruan lang kahit nagkakapisikalan.

"Medina, hindi 'yon tama," awtomatikong umikot ang mata ko dahil kay Ank.

"Ah tologo bo kamahalan?" pambubwisit ko at epektib iyon dahil ansama niya makatingin,  "To the POD room," pucha!

"Anastasia, wala iyon sa 'min," pagtatanggol ni Gelina a akin.

"Hindi naman kami nagreklamo eh," malumanay ding tugon ni Ajey, habang si Jonah ay prenteng nakaupo sa bermuda, nakatingala at nanonood.

"You heard them right?" mataray kong tanong sa kaniya, umirap naman 'to at muling hinarap ang dalawa.

"You sure?" paninigurado niya.

"Mm," pagtango nila.

"Now you may go, shoo, shoo," pagtataboy ko sa kaniya, matalim pa rin ang kaniyang mga tingin nang iwan niya kami.

Umalis naman ito sa 'min at biglang may lumapit sa 'kin.

"Ate Harra, hanap ka po ni Cher Gabby, hanap ka po sa Gym," ani ng isang junior.

"Sige, sunod ako," ika ko.

"O' paano, magsawa na kayo sa paglalaro, tawag ako sa gym," paalam ko at tinalikuran sila at nagtungo nga ng Gym at nakita ko ro'n si Cher Gabby kaya agad ko namang nilapitan.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon