CHAPTER 24

1.1K 89 52
                                    

[Leighton's POV]

Nandito lahat ng kalahok, dito sa loob ng gymnasiun, nahagip pa ng mata ko si mama habang palihim na kinukunan ng litrato si Kian habang nag-uusap sila ng papa niya, napangiti ako ng mapait.

'Sana ako din.'

Muli kong iginala ang paningin ko at ayun nakita ko din si papa, habang katabi ang anak niya na kalahok sa contest at asawa niya.

Kinukuhanan sila ng litrato ng isa pa niyang anak.

Nakaramdam ako ng inngit, sakit, panlulumo.

Tuluyan na ngang binalot ng lungkot ang puso ko, mag-isa ko palang na nakaupo dito sa pwesto naming apat, si Kian nadoon nga sa mama at papa niya, ganoon din kay Clynt, si Harra ay hindi ko alam kung nasaan dahil nagpaalam lang ito na may pupuntahan lang saglit.

'Sana ako din, sana ako din ang sinusuportahan.'

Nakayuko nalang ako dahil hindi ko sila kayang tignan.

Naramdaman ko nalang na may umupo sa tabing upuan at si Harra 'yon na parang pinagsukluban ng langit at lupa.

"Itsura mo?" tanong ko.

"Pinilit kong tumae para hindi ako kabahan eh, wala namang lumabas, parang tanga may kung anong umiikot sa tiyan ko,"  hindi ko alam pero natawa ako bigla, nawala ang kung ano mang iniisip ko kanina, ibang klase din 'to mag-isip.

"Saan mo naman nakuha ang ideya na yan na kailangan mong itae ang kaba mo?" natatawa kong tanong.

"Wala, naisip ko lang naman, malay mo gumana, kaso hindi naman ako nilabasan ng tae," humagalpak na ako sa tawa dahil sa sinabi niya at panay lamang ang kaniyang pagnguso.

"Huwag mo ako tawanan, hindi mo alam kung anong hirap ang dinanas ko sa Cr kanina," sabi pa nito na ikinatawa ko lalo.

"Ano namang pinaggagawa mo sa Cr?" natatawa kong tanong.

"Para akong manganganak dahil sa pilit na pag-ire para matae, pinisil pisil ko pa tiyan ko pero wala pa rin," napahawak na ako sa panga ko katatawa dahil nangalay na.

"Nakakainis ka, bakit mo ako tinatawanan!?" kasabay ng paghampas niya sa akin.

"Huwag mo kasing isipin iyon ng sobra," natatawa kong sabi.

"Baka dahil diyan, mawala lahat ng pinag-aralan natin, paano kung sa pagtae mo sumama pati pinag-aralan mo?" biro ko.

"OA naman siguro kung maitatae ko ang utak ko," seryoso siya, mukang hindi nga namin ito mabibiro ngayon.

Nakabusangot pa rin siya lalo na nang ideklara na ng emcee na sa ilang sandali nalang ay magsisimula na hanggang sa pinaalis na kami para hanapin ang room kung saan gaganapin ang kung anong sinalihan namin.

Sa paglalakad namin ay gano'n pa rin ang itsura ni Harra kaya hindi ko maiwasan ang matawa.

"Ah--ate Ha-rra" sabi ng kung sino kaya napalingon ako at nakita ko si Leihjie, napansin ko ang paglalakad ni Harra, mukang hindi ata narinig si Leihjie, kaya naman hinila ko siya.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon