CHAPTER 37

1K 81 54
                                    

[Gheoharra's Pov]

Huwebes ngayon at music namin, dala ko ang gitara ko, kung mamalasin nga naman ay ngayon pa naisipang magsama sama ang lahat ng section para sa music class na ito.

At isa pa doon ay nagkaroon ng emergency meeting ngayon ang mga teachers.

May kaniya kaniyang ginagawa naman ang lahat.

Dumistansya naman ako kila Jonah kasama niya sina Leighton, Kian, Ajey, Wildayne at Gelina.

Nagkukwentuhan at nagtatawanan sila, hindi naman kami magulo, nasa tamang ayos parin naman kami ng mga upuan, medyo madistansya lang talaga ako.

Nilalaro ko nalang ang mga daliri ko habang bumubuo ng kanta sa isip ko.

"Can we talk for a sec?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Leighton at naupo sa tabi ko.

"Sure, about?" I asked and look at my guitar na nakalagay parin sa lagayan niya. Hindi ito tela kundi para itong case.

"About you and me," sumulyap ako at ibinalik muli ang tingin sa aking gitara.

"Ano ang tungkol doon?" tanong ko na akala mo ay wala akong pake pero kinakabahan ako.

"Iniiwasan mo ba ako?" Deretsahang tanong niya.

Napalunok naman ako at nanatili ang tingin sa gitara, iniiwasan ko kasi talaga siya.

"What are you talking about?" kunwaring tanong ko, pero oo, iniiwasan kita, ano naman?

"Alam mo kung anong sinasabi ko Gheo," mahinahong aniya.

"I am not, I am just giving you and Gelina a quality time together," I know how bitter I sounded.

"At isa pa ayokong manira, ayaw mo 'yon, malaya mo siyang nakakasama and isa pa ay wala akong ginagawang katangahan para masira kayo," gusto ko siyang irapan.

"Ano bang sinasabi mo?" sapakin ko kaya utak mo!

"Na ayokong makasira sa inyo,"

"Gheo she's my--"

"I know, just shut up!" singhal ko sa kaniya. Hindi naman kailangang ipaglandakan eh.

"Alam mo naman pala bakit ka nagkakaganiyan? Hindi ko kasi maintindihan eh," sabi niya pero hindi ko na kinibo at binuksan ang bahay ng gitara ko at kinuha iyon.

"Hi Harra" nilingon ko si Gelina at napatingin kay Leighton na nasa tabi ko.

She smiled at me. kaya tumayo ako sa inuupuan ako.

"You can have the seat," sabi ko at pumunta sa bandang likod, tatlong block mula sa inuupuan ko kanina.

Napasulyap pa ako sa gawi nila at nakita ko ang pagngiwi nina Kian, Jo, at Gelina.

Napabuntong hininga nalang ako at sinimulang magtipa sa aking gitara, hindi naman ganoon kalakas, mahina lang ang ginawa ko.

Napapikit ako habang tinitipa iyon, doon ko ibinuhos ang nararamdaman ko, sobrang bigat at masakit at nagawa ko pang sabayan ng kanta na ako din ang may gawa..

Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman ko, pinagmasdan ko ang mga daliri kong tumitipa mula sa pinakamabagal hanggang sa mabilis na pagtipa.

Na sa paraang iyon ay mailalabas ko ang hinanakit ko.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon