CHAPTER 20

1.2K 82 34
                                    

[Gheoharra's Pov]

"Manang si kuya?" tanong ko pagkababa ko ng hagdan, pagkatapos kong maghanda para pumasok.

"Maagang umalis ang kuya mo kanina, pinapasabi nalang na mag-ingat ka," sabi ni manang.

"Gano'n po ba? Sige po, mauna na ako," sabi ko at tumango naman ito at sinabing mag-ingat ako.

Agad naman akong hinatid ni kuya Howard sa school, agad na din akong bumaba pagkarating namin at nagpaalam sa kaniya.

Naglakad na ako papasok sa campus.

"Aray!" sigaw ko sa sakit at dala na din ng pagkagulat nang bigla nalang akong sinalubong ng sampal pagkapasok na pagkapasok ko lang.

Sapo-sapo ko ngayon ang pisngi kong sinampal niya.

"Problema mo?!" I shouted, didn't even give damn whoever watching us right now.

"Heto na naman sila"

"Away na naman"

"Hindi ba sila nagsasawa?"

"Sinimulan na naman ni Gelina,"

"Buti hindi gumaganti masiyado itong si Harra,"

"Baka talo,"

"Tanga, ayaw lang pumatol, kaibigan parin naman niya 'yan,"

"Eh bakit si Gelina?"

"Sarado lang ang isip,"

Mga bulungang hindi nakaligtas sa pandinig ko.

Napasinghal nalang ako sa aking isip ng dahil doon, sanay na naman na ako, ewan ko lang sa babaeng ito.

Knowing her ayaw niya ng mga ganitong eksena, siya pa nga ang nahihiya para sa akin dati eh.

"Anong problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko," dinuro-duro pa ako.

"Ano namang ginawa ko sa 'yo?" kunot noo kong tanong.

Sa ilang linggo na laging ganito ang eksena namin ay hinayaan na kami hanggat walang nagrereport.

"Mapagpanggap ka masiyado!" napatingin pa ako sa taas ng hindi gumagalaw ang ulo ko na parang sa paraang iyon ay iniisip ko kung ano ba ang ginawa ko sa bruhang ito.

Kung tungkol ba ito sa pagpapanggap namin ni Leighton na tinutukog niya.

"Alam mo bang makikipag-ayos na dapat ako?" ako doon sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata.

Hinihintay lang kita kung alam mo lang.

"Hindi, ano naman ngayon?" tanong ko sa kaniya na kunwari ay hindi ako apektado at wala ng interes na makipag-ayos pa.

'Kung alam mo lang kung gaano ko na din kagustong maayos ang alitan natin.'

"You're heartless! I really want to fix everything yesterday," panimula niya, hindi naman ako umimik at hinintay ang sunod na sasabihin nito at hindi pa rin nagpakita ng kahit na anong emosyon maliban sa galit na nakikita sa ekspresyon ng muka ko.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon