CHAPTER 39

1K 77 65
                                    

[Gheoharra's Pov]

Excited akong pumasok ngayon at alam kong siya ang dahilan, feeling ko ay ayokong bumagsak ngayon, parang gusto ko ng ipasa lahat ng quizes, summatives at lahat ng activities.

Naks, kakaiba talaga kapag inlove, hindi na ako 'to! Aba matindi!

Iiling iling akong lumabas ng kwarto ko at bumaba.

"Morning manang," bati ko, nakita ko naman itong natigilan at pinagmasdan ako.

Kumurap kurap pa siya, natawa naman ako at umalis nalang para magpahatid kay Manong Howard na nasa labas na at hinihintay ako.

Agad naman akong pumasok doon at agad namang nagmaneho si Manong Howard papunta sa school.

Pagkahintong pagkahinto ay lumabas na ako sa sasakyan namin at naging malapad ang ngiti ko nang makita ko si Leighton na nakasandal sa may gate, habang nakapasok ang kanang kamay sa bulsa niya.

Natural na gulo niyang buhok, at plantsadong mga uniporme at kumikinang niyang itim na sapatos.

Na talaga namang nagmukang kagalang galang na estudyante.

Kunot noo itong nakatingin sa baba habang kagat ang labi at naglalaro ang hintuturo sa kaniyang baba.

Mukang may malalim na iniisip, nang maramdaman siguro nito ang aking presenya ay nag-angat siya ng tingin at umayos ng tayo.

"Magandang umaga aking binibini," sabi at inilahad ang isang rosas.

"Naks may parosas," Inaamin ko naman kinikilig ako.

"Pinitas ko pa 'yan sa halaman ni nanay," napangisi ako pero sumimangot ito, "magpakita ka naman ng kilig," he lightly stomped his feet—cute.

"Napakacommon ng ganito, ibahan naman natin para mas cool," he rolled his eyes, I chuckled.

"Bakit nga ba nakalimutan kong ikaw pala ang nililigawan ko, and you are not fond of sweet stuff," natatawa niyang sabi.

"Grabe ka sa akin," ani ko at hinampas ang kaniyang braso.

"Ayaw mo ba niyan?" Tanong niya na para bang handana nitong bawiin.

"Hindi naman sa gano'n," agap ko at itinago pa iyon sa likod ko.

"Oh sige, palitan natin, kiss bomb nalang," nangunot ang noo ko dahil hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Kiss bomb" ulit niya.

"Ano 'yon?" hindi talaga magsink in sa utak ko.

"Gusto mo cool 'di ba? Kung may fist bomb, sa atin naman ay kiss bomb," sabi at ngumuso at talagang nagpapadyak-padyak.

Maalakas akong natawa dahil bumabanat pala ito.

"Abusado ka," natatawa kong saad at ibinulsa ang kamay ko kaya natawa din ito at napakamot sa ulo.

"Tara, hatid na kita room, maglilibot pa ako e,"

"Hinintay mo pa kasi ako, dapat naglibot ka nalang," sinamaan niya ako ng tingin na ikinangiti ko.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon