CHAPTER 27

1.1K 81 49
                                    

[Leighton's Pov]

"Food court! Food court!" Sigaw agad ni Harra.

Natawa kami kasi gutom na ata siya.

"Saan mo ba gusto?" Tanong ni Kian.

"Jollibee jollibee!" ulit ulit na sabi na parang batang pupunta ulit sa jollibee.

Sinunod naman namin ang gusto niya, kumain kami habang nagkukwentuhang tatlo samantalang si Harra ay tutok lang sa pagkain at ayaw pa ata paistorbo.

Nang matapos kami ay naglakad lakad muna kami para matunawan.

"Ahh! Pervert!" Tili ni Clynt at nagtago sa likod ni Harra.

Nangunot agad ang noo ni Harra at humarap sa kung saan galing si Clynt maging kami ni Kian ay ganoon din ang ginawa.

"Sino?" Tanong ni Harra sa paraang handa siyang manapak.

"That guy! He touched my butt!" Mangiyak ngiyak pang aniya habang itinuturo ang lalaking hindi ganoon katangkad, naka puting Hollister, fade jeans at pinaresan ng Nike na sapatos.

Nakangisi pa ito.

"Tarantado ka ah," sabay pa naming sambit ni Kian at lalapit na sana pero nagulat kami sa bilis ng paglapit ni Harra doon sa lalaki sa layo ng distansiya at nag-aalab sa galit.

"Gago ka ah!" Gigil na sabi nito habang kinekwelyohan ang lalaki, pero hindi ito natinag, marahil ay hindi alam ang kakayagan ng babbae.

"Harra,"

"Back off!" Sigaw niya at gigil na gigil siya, hindi siya lumingon pero alam kong ako ang sinabihan niya.

"Pero--"

"Shut up!" wala na itong pinapakinggan.

"Gago ka ah!" sigaw niya sa muka ng lalaki.

"Ooh sorry, my bad," sarkastiko ang pagkakasama na kahit naa sino man ay maiirita.

"Tarantado!" sinapak ang lalaki dahilan para mapaatras siya.

"Oohw" kantiyaw ng mga nanonood.

"Gago ka ah! Tapang mo! Sino ka ba?!" ang kaninang ngingisi-ngisi ay hindi na mapinta ang muka ngayon sa galit.

"Hindi naman ikaw ang hinawakan! Galit na galit ka!" madaming napairap sa naging pahayag niya, na maging si Harra ay parang pinomoyang sa narinig.

"Pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa babae," nagtitimpi siya.

"Ah talaga, nangmamaniyak lang gano'n ba? Gusto mong mahalikan ang sahig?" naninindak na ani ni Harra na tinawanan ng lalaki ngunit makikita rito ang pag-ilag.

"Baka gusto mo ikaw ang ipahali--"

"Ooh!" the crowd booed nang bigla itong tumaob.

Napangiwi pa ako

Agad kasing sinipa ni Harra ang lalaki sa bandang tenga dahilan para sumubsob ito sa sahig.

Dumaing din sa sakit ang lalaki at nagtaas ng tingin, bitak ang nguso, at dumugo ang ilong.

"Napupuno na ako sayo,"  tumayo ang lalaki at sumugod ngunit sinalubong lang siya ng kamao ni Harra itinulak ngunit hinila ang damit dahilan para mapunit.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon