CHAPTER 12

1.3K 90 58
                                    

[Gheoharra's Pov]

"Have you fallen in love?" tanong niya sa akin, napatingala pa ako para makapag isip.

"Hindi ko alam kasi, I don't even know how does it feel," sabi ko. .

"Ikaw?" tanong ko sa kaniya, tumango naman ito at bahagya pang natawa.

"Anong ako?" painosente niyang tanong kaya naman sinamaan ko siya ng tingin..

"Yes," sagot niya.

"Oo nga pala kay Gel--"

"No, not her," mabilis niyang tanggi kaya naman napalingon ako sa kaniya.

"Ano ba ang pakiramdam ng inlove?" I asked.

"Hindi ko alam kung paano i-explain eh," he said.

"Paano mo naman malalaman kung inlove ka?" tanong ko ulit.

"Mm, well--ahh actually I don't know, ni hindi ko nga alam na inlove na ako eh," at tumawa pa siya kasabay ng iling.

"Okay--ang weird," sabi ko at tumawa din.

"Hapon na din, siguro uwi na," sumang ayon naman siya sa akin.

"Mga bata, tara na," pagtawag ko sa dalawa..

"Sige po," sagot nila at nag-unahan pa silang lumapit sa akin.

Sinimulan na namin ang maglakad talagang hawak kamay kaming apat, napapagitnaan namin ang dalawang bata hanggang sa makarating kami sa crossway.

"Magpaalam na kayo kay kuya Leighton," sabi ko sa kanila.

"Huh?" tanong ng dalawang bata.

"Diyan na ang daan ni kuya, uuwi na siya" sabi ko.

"Gano'n po ba, ahehe sige po kuya, paalam, salamat po sa pagsama," cute na cute na sabi ni Nadia.

"Walang anuman," sagot ni Leighton at ginulo pa ang buhok ng dalawang bata.

"Mauna na ako," sabi nito, tinanguan ko naman siya, aalis na sana ito nang biglang magsalita ang isa sa dalawang bata.

"Kuya, kuya, sandali," pigil niya papaalis na sanang Leighton.

"Bakit?" tanong niya.

"Kuya, wala bang goodbye hug or goodbye kiss si Ate?" napa-awang naman ang labi ko dahil sa sinabi ni Lino.

"Ano, Lino, tara na, ayos lang iyon," sabi ko, minsan ang sarap isako ng mga batang ito.

"Pero, gano'n po ang ginagawa kapag nagpapaalaman hindi po ba?" halla susme, pahamak.

"Pero kasi Lino, may pupuntahan pa si kuya---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang yakapin ako ni Leighton.

"Ang dami mong satsat, pagbigyan mo nalang, mga bata eh" bulong nito, tapos kumalas na sa yakap at nagulat ako sa sunod niyang ginawa, he kissed me on my forehead.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon