CHAPTER 25

1.1K 81 55
                                    

[Leighton's POV]

Katatapos lang ng awarding, and I got the 1st place, Annie is 2nd Placer and ofcourse Harra is the champion.

Madaming nagulat sa pagkapanalo niya, sino ba naman hindi eh, 'yong taong halos pandirian ang mga aklat at paaralan ay mananalo.

Kung may allergy lang siya sa mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral ay malamang baka hindi na humihinga.

"Grabe, panalo ako," masayang masaya siya habang pinagmamasdan ang medalya, sertipiko at dalawang tropeyo na kung saan ang isang tropeyo ay maiiwan dito sa paaralan.

"Binabati ulit kita ng congratulations," sabi ko at ginulo ang buhok niya, tuwang tuwa naman ito.

"Salamat Ton, sa 'yo din,"ngumiti naman ako.

Si Kian ay nagchampion din sa individual award at 2nd place si Clynt, champion din naman sila sa group award.

Sina Liah at Brent ay 3rd place sa debate, hindi na masama dahil sa dami ng kalahok na galing sa iba't ibang school na pareho din nilang magagaling ay nasa pangatlo sila.

"Nakakagulat naman ang binata ko," biglang may umakbay kay Harra, at si Doc. Hivary iyon.

"Mommy!" Gulat na gulat na sabi ni Harra nang makita niya ang ina.

"Congrats anak," sabi ng ina at bahagya pang sinuntok sa braso si Harra.

"Hivary!" sita ng ama nito sa asawa..

"Dad" tawah ni Harra, ngumiti naman ito,  binati

Bumaling ito sa asawa sinamaan ng tingin si Doc. Hivary

"What is your problem Gheovannie?" Taas kilay na tanong ni Doc. Hivary pero nandoon ang boyish na dating.

"Babati ka na nga lang sa anak mo, may suntok pa," sabi nito.

"Narinig mo bang umaray?" Tanong ni Doc. Hivary.

"No, but don't treat her like that,"

"Nag-i-sparing nga kami tuwing dinidisiplina ko ang batang ito, " sabi nito at bahagyang sinabunutan ang anak.

"Congrats baby," biglang sulpot ni kuya Harry.

"Ey, kuya, salamat," sabi naman ni Harra.

"Congrats din sa 'yo Leighton," bati ni kuya sa akin, bumati din sina Doc. Nagpasalamat naman ako at ngumiti.

"Buti nakauwi kayo?" Tanong ni Harra.

"Naman, pwede ba naman naming palampasin ang ganitong patimpalak na sinalihan ng binata ko" sabi pa.

"I am not 'binata' ugh!" Mataray na atungal ni Harra.

" Dad would you mind take your 'husband' away from here? She's annoying," sabi ni Harra at umirap pa.

Natawa naman ako, now alam ko na kung kanino nagmana si Harra.

"Tsk, salamat nga pala iho, balita ko ay ikaw ang dumidisiplina sa batang ito dito? Napakapasaway ano? Pingutin mo sa tenga kapag, habaan mo pa ang pasensya mo dito sa binata ko ha," natawa naman ako doon, para siyang hindi doctor kung umasta.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon