[Leighton's Pov]
As the time goes by 'til noon that fast. Natapos ang maghapong klase maging ang mga practice. Malapit na ang Inter High kaya naman todo ang practice.
Pagkatapos umalis ng sasakyan ni Gheo ay umuwi na din ako.
I feel exhausted. Napabuntong hininga na lamang ako at sinimulan ng maglakad pauwi. The sun already set down.
Liwanag sa street lights at buwan ang nagsisilbi kong ilaw.
Gaano man kapagod ay nakaya kong umuwi sa bahay.
Nagtataka naman ako sa isang sasakyang nakaparada sa tapat ng bahay namin. Magara kulay pula at kumikinang sa sobrang kinis nito at mukang alagang alaga.
Pumasok naman ako sa loob ng bahay.
"Papa!?" Gulat kong tanong nang makita ko itong nakaupo sa divan namin kaharap sina nanay at tatay at nagkakamayan.
"Anak," sabi nito at ngumiti.
Ang sarap naman sa pandinig.
"Ano pong ginagawa niyo dito papa? I mean, ano po sadya niyo?" I asked.
"Sina nanay at tatay mo na ang magpapaliwanag, I won't stay too long, I have meetings to deal with today 'til 11, so I need to go now son, let us bond together some other time, I will clear my schedule" sabi niya.
"Si--sige po papa, ingat po," para talagang kinikiliti ang puso ko tuwing tinatawag ko siyang papa.
Tinapik naman niya ang balikat ko at 'tsaka na ito naglakad palabas ng bahay.
Inihatid naman namin ito hanggang sa labas ng bakuran at sabay sabay na kaming pumasok nina nanay papunta sa loob.
Nang harapin ko sila ay malapad na ngiti ang iginawad nila sa akin.
"Ah 'nay, 'tay ano pong meron?" hindi ko na kayang hindi magtanong dahil kinakain na ako ng kuryusidad ko.
"Kinausap kami ng papa mo anak kung papayag ba kami na tumira ka kasama nila." Panimula ni nanay, hindi ko alam kung matutuwa ba ako masasaktan.
Ayaw kong iwan sila, dahil nakaasanayan kong tumira at lalong lumaki ako na sila ang aking kasama.
"Sino ba naman kami para tumanggi hindi ba? Anak, huwag mo sanang isipin na ganoon nalang kadali para sa amin na pumayag," sabi at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, nag-iinit ang mata ko pero pilit kong nilalabanan ang nagbabadyang luha.
"Gusto naming sumaya ka at maranasan sa wakas ang kalinga ng iyong sariling ama," dagdag ni nanay, hindi ako maakapagsalita dahil ang labas ng kabog ng dibdib ko.
Tahimik lang si tatay at nakangiti sa amin.
"Hindi madali sa amin na malayo ka dahil para ka na naming tunay na anak, mahal na mahal na mahal ka namin ng tatay mo, at ni minsan ay hindi mo kami binigo."
"Nanay, pinilit po ba kayo?" tanong ko sa kanila pero namura ko ang sarili ko dahil napag-isipan ko pa ng masama ang tatay ko.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Teen FictionBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...