[Leighton's Pov]
"Harra, anong problema?" I blocked her way nang maabutan ko siya, kunot ang noo nitong lumingon sa akin, "wala naman," sagot nito sa akin.
Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit, ramdam ko ang pagiging mailap nito kaya nababahala ako.
"May hangver ako and my head is throbbing in pain, kaya hindi ako okay, okay na?" mahihimigan ang inis nito.
"Hangover?"
"Yes, uminom ako kagabi, eh ano naman? pumagilid ka nga," hinahawi pa ako nito pero hindi ako nagpatinag.
"Bakit ka uminom?" Malumanay na tanong ko sa kaniya, nadilaan nito ang pang-ibabang labi, hinilot ang sentido bago tumingin sa akin.
"Nauhaw lang, tabi," hanep na rason 'yan, kapag nauhaw pala, dapat uminom ng alak, ayos!
"Gheo," malumanay ang pagtatawag ko dito, gumuhit ang inis sa itsura nito at bumulong-bulong, hindi ko iyon naintindihan.
Muli niyang hinawakan ang ulo, dahil malamang sa sakit.
"Hayaan mo nalang ako," sabi and faced her back at me.
Bago pa man ito makahakbang ay hinawakan ko ang braso, "bibitawan mo ako o bibiwasan kita?" hindi man nakatingin sa akin ay alam kong nabibwisit na ito sa akin.
Nasanay naman ako na ganito niya ako pakitunguhan at kausapin dati, hindi ko lang alam pero kakaiba kasi ang dating no'n sa akin, hindi siya nakakatuwa ngayon.
Dahil seryoso naman kasi siya!
"Kausapin mo naman ako ng maayos, nakakabahala e', may nagawa ba ako?"
"Ano ba naman kasing pakealam mo?" bakit ang sakit mo magsalita ngayon? epekto ba yan ng alak na nainom mo kagabi?
"We're friends right?" tanong ko, she sighed violently, kaya lalo akong kinabahan.
"O' ano naman, hindi mo kailangang mag-alala sa akin, magkaibigan lang naman tayo," aniya at binawi ang kamay, hindi man marahas ang pagkakahila ngunit sapat iyon na ayaw niya ang paghawak na ginawa ko.
At tumakbo na ito papunta sa taas.
Ano ba talagang problema niya? Ayos naman kami noong nakaraan? Bakit ganoon?
"Tol," pagtapik ni Kian sa akin nang makalapit sa akin kasabay si Clynt.
"Anong problema niya? Hindi ko kasi maintindihan,"
"Hayaan mo muna siya, tara na," sabi nila at nagpaumunang naglakad.
Sumunod nalang ako.
Pagdating namin sa classroom ay nandoon na siya nakaupo sa upuan niya.
She looks fine, acting normal.
Tumabi nalang ako sa kaniya, hindi man lang ako nilingon.
"Sorry," paghingi ko ng paumanhin kahit hindi ko namana alam kung ano ba talaga ang kasalanan ko, lumingon naman ito ng may pagtatanong.
"I don't know, I just feel sorry, sa tingin ko'y may nagawa ako," she shook her head and smile.
Pero hindi iyon ang ngiting madalas niyang igawad, maliban sa mabilisang ngiti lang ay may pait pa doon.
Now she's facing infront na parang tutok na tutok.
Ilang sandali lang din ay nandiyan na ang magtuturo sa amin.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Teen FictionBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...