[Jonah's Pov]
"Wala na talaga eh," sa tinig ni Ajey ay nawawalan na ng pag-asa, kasalukuyan kaming kumakain ng almusal dito sa canteen.
"Agad? Kahapon lang iyon, tapos pati ang sa inyo natapos?" mahina lamang ang pagkakasabi ko.
I am very disappointed.
"Pinagtulakan nga niya ako palayo eh," at huminga pa ng malalim.
"Kahapon, mukang kinausap siya ni Leighton tungkol sa nangyari, nang bumalik ito ay umiiyak siya, wala nga siyang pakialam sa mga nakakita sa kaniya, buti at walang guro," kwento ni Ajey.
"Umiiyak?"
"Oo, pagbalik niya umiiyak siya, hindi ko alam kung bakit," .
"Walang sabi sabi, hindi na niya ako kinausap pa, kapag lalapitan ko naman sasabihin niyang layuan ko siya, hanggang sa sabihin niya na 'our friendship is over' " she said and laughed bitterly.
"Hayaan mo na, nandito pa naman kami ni Gheo, puntahan mo lang kami kapag," ang tanging masasabi ko, dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Lumabas na kami ng canteen pagkatapos naming mag-almusal.
Nagtungo nga kami paounta sa building namin.
Bago pa kami makarating ay ayun naagaw ang atensiyon nami nagsasagutang Ank at Gheo, sabay kaming napabuntong hininga ni Ajey at nagkayayaan na pumunta doon.
"So paano 'yan, nawalan ka ng kaibigan, aww kawawa ka naman," pang-aasar ni Ank kay Gheo.
"Total naman ay napunta siya sa iyo, aba, bagay na bagay ang tandem niyo, isang ahas at isang plastic, woww perfect!" sabi ni Gheo at bahagya pang pumalakpak.
"Damn you!" pikon na pikon naman itong babae.
"Oh, ngayon pikon ka? Lakas ng loob mong magsimula ng sagutan tapos ganiyan lang maisasagot mo? nagsasawa na nga ako sa pagmumuka mo, masiyado kang pakeelamera, masiyado ka ding mapapel, sulpot ng sulpot, lahat ata ng balita nasasagap mo, para kang sponge, pigain kita gusto mo para naman mabawasan naman ang nasasagap mo?" habang nakapamulsa ang kaniyang kamay at diretso lang na nakatingin kay Ank.
"Ang sama mo talaga, hello pinsan mo ako tapos ganiyan ka,"
"Pinsan mo muka mo ulul," at namakyu pa, napapangiwi na lang talaga kami sa pag-uugali niya.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Teen FictionBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...