Chapter 3

1.2K 49 3
                                    



Jade's POV

"ang sakit ng likuran ko" sabi ni Lay kaya tumingin ako sa kanya.

"sayo masakit lang samantalang sakin sobrang sakit" wika ko.


"loko kasing Ken yun, talagang hindi titigil hangga't hindi ka napapa-alis"


"hayaan mo na, tara na nauuhaw nako may tubig diba sa room?"

Humarap sya sa akin.

"marumi na ang tubig na yun, ilang taon narin yung hindi napapalitan at nalilinisan" hinatak nya ako.


Hindi ko alam kung anong building ito basta maraming estudyante! Ang bilis maglakad ni Lay tapos hatak-hatak nya pa ako.


"anong ginagawa natin dito?" linga-lingang tanong  ko.


"iinom tayo dito, tara!" hinatak nya naman ako.


Ng makarating kami sa third floor. Nakaka-pagod. Hiningal ako lalo.


"anong ginagawa nila dito?" turo ko kay Kuya Ace.


"sila? matagal na silang nandidito nasa gitna ang classroom nila yung sa kabilang gilid naman yung mga dispenser tapos sa kabila ay section B" hinila nya naman ako.



Baka matanggal na ang braso ko kakahila nya. Jusko.



Pumasok kami sa classroom ng mga dispenser.



"oh" inabot nya sa akin ang baso.



Dito din pala nag aaral si kuya Ace? bakit hindi sinabi ni kuya Trev?


"huy inom na, tulala ka?" umiling nalang ako at kumuha ng tubig. Nilagyan ko narin yung dala-dala kong water container.


"anong Section pala si Ace?" ayoko munang sabihin na kuya ko sya. Baka hindi sya maniwala. Tsaka masyadong mayamang tingnan si kuya kesa sa akin.


Ayokong magalit uli si kuya Ace sa akin. Mahirap makipag bati sa bato.


"Section A, actually sya ang president tapos achiever rin sya, gwapo, mayaman-lahat na" nakangiti nyang sabi. Proud na proud kay kuya.
 

"alam mo ba full name ni Ace?"


"Jace Tristan M"


Bakit kulang? Mendoza si kuya bakit M lang? Ano yun? Pa mysterious effect ang galawan?


"ano yung M?" 


"ewan, hindi nya kasi sinasabi yung full surname nya, ang alam ko mapili lang ang nakaka alam ng surname nya eh" lumabas na kami sa room na yon.


Nakinig lang ako sa mga sinasabi nya.


Muli akong tumingin sa likod nakita ko si kuya na may kausap kaibigan nya siguro yun, naka ngiti pa nga nyang kinakausap.


Hindi man lang nya ako nakita, pero okay na yun kesa sa makita nya ako dito, ayaw kong sumama mood nya ng dahil sa akin.


"alam mo bang suplado yun? parang kapareho nya ng ugali si Ken pero mas malala yung kay Ken eh, masyadong brutal si Ken yung si Ace naman hindi masyado" dagdag nya.


"Mag kaaway si Ken at Ace, kung si Ken kasama nya lagi ay si Yael kung si Ace naman ay si Hirro" familiar ang Hirro na name sa akin pero hindi ko alam kung saan o paano ko sya nakilala


Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon