Jade's POV (Point of View)
"Tine, magbihis kana" lumingon ako kay kuya na seryoso ang tingin sa akin, biglang nangunot ang noo ko
"ha? hakdog... anong magbihis?" takang tanong ko habang piipilu yung mga nagkalat kong damit sa sahig ng kwarto ko. Hindi kami nagpapa-pasok ng kung sino-sino sa private na part namin ng bahay. Hindi kasi maganda yun sa tingin ng dalawa kong kuya lalo na rin si Tita Trie, pwera nalang kung mapagkakatiwalaan mo ang mga ito.
"gawin mo nalang" umirap ito sa akin kasabay ng pagsirado ng pinto, si manang lang ang nakakapasok sa kwarto ko, take note dahil sa kwarto ko lang. Hindi kina kuya at kay tita kundi sa akin, lang.
Naligo ako saka nagbihis ng oversized t-shirt na kulay puti na may disenyo ni Pikachu. Nag suot narin ako ng kulay itim na short, syempre may disenyo rin iyon ni pikachu sa bulsahan na pwesto. Tsaka pinares ko na rin ng tsinelas na kulay itim at yellow. Pikachu yung design syempre.
Ng makababa ay naabutan ko si kuya Ace na nakangiting nakatitig sa cp nya. Mabagal at tahimik akong naglakad sa likuran nya para makita kung sio yun. Sa hindi inaasahan ay nakita ko sya... omay..si kuya Ace? si kuya? may gusto kay--
"what the f*ck, Tine!" nagulantang ako sa inis na sigaw ni kuya, dali-dali nyang pinatay at itinago sa bulsa nya ang hawak ngang cellphone. Ngumisi ako sa kanya saka nagsalita.
"kaya naman pala... hehehe kuya may gusto ka ba kay--" bigla nyang tinakpan ang bibig ko ng malalaki nyang palad sa bibig ko.
"wag mong subukan..." pinalo ko ang kamay nya sa bibig ko na agd nya ring tinanggal. Muli akong ngumisi ng nakakaloko kay kuya saka ti-nap ang balikat nya.
"kahit di mo naman sabihin kuya, halata ka pa rin eh" nakangisi kong sabi saka muling nagsalita, kita ko ang pamumutla nya "pwede kang mag patulong sakin sa panliligaw sa kanya kuya...." sabi ko saka lumabas na
--
Pumunta kami ni kuya kung saan-saan. Laag yun kung sasabihin, ewan ko kung bakit walang topak ang kuya ko ngayon, mas mabuti narin naman yun kesa sa palagi syang timang. Buong araw ang ginawa naming gala. Matapos nun ay dumiretso kami sa airport para sunduin si kuya Trev. Hindi kasi nito dinala ang sariling sasakyan kaya kami yung sumundo. Ayaw ni kuya Trev mag taxi dahil hindi nya gusto minsan ang nakakasalamuha nyang drayber.
Nagtanong ng nagtanong ang ginawa ni kuya Trev tungkol sa isang linggo namin. Isang linggo kasi si kuya sa Italy. Magkasundo na kami ni kuya Ace ng ilang araw. Nag dinner din kami sa kilalang restaurant. Kumain ako ng kumain, sinita nga ako ng dalawa kong kasama dahil antakaw ko raw. Hindi ko naman sila pinakinggan dahil tuloy-tuloy lang ang pag-kain ko. Nag pa take-out nga rin ako eh.
"Goodnight" paalam ko sa dalawa, nag-uusap kasi sila mula ng maka-uwi. Hindi ko na pinakinggan ang usapan nila dahil busy ako sa pagkain ko.
Mahimbing uli ang tulog ko ng gabing iyon, may iilang text akong natanggap galing sa D's, kina Hirro lalo na si Ken. Puro tanong at paalala ang ginawa nya. Nag te-text rin ito ng kung ano-ano na nakapapangiti sa akin. Mabuti nalang ay hindi ko ito kasama dahil baka maging kamatis yung muka ko sa pula. Ah basta.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
