Chapter 12

770 31 2
                                    



HER POV


"Aray ko, dahan-dahan naman Lay" napanguso ako.


Pano ba kasi ginagamot nya ngayon yung pasa ko mula kagabi pati din yung isa ko pang pasa sa kabila rin' pisnge. 


"sorry" tumawa sya saka pinagpatuloy ang pag gagamot.


Hindi tuloy natuloy ang klase, pero mas maganda narin dahil sa pagkaka-alala ko, may quiz kami ngayon at hindi ako naka pag review!. 


"eto na pinapabili mo" tumingin kami ni Lay ng sabay sa likuran sa may pintuan pala dahil sa nagsalita.


"sungit mo Cyril" wika ni Lay saka hinablot ang dala nitong paper bag "nakabili kaba ng hirudoid cream? ng yelo?" tanong ni Lay habang hinahalungkat ang paper bag.


Ang liit na ngalang ng paper bag di pa mahanap yung hinahanap nya. Tsk. 


"I bought everything you said" walang ganang sabi ni Cyril, classmate namin. Inirapan ko sya, binelatan nya lang ako. 


"Let's eat first, my tummy's already boiling because of hunger" wika ni Renniel yung isip bata sa room na pinakabata rin. 


"bumili na si Yael ng lunch maghihintay nalang ang gagaawin natin" sabi naman ni Ejay saka umupo sa armchair. Buti ay kahoy iyon, kung plastic malamang masisira yun.


"done" sabi ni Lay kaya agad akong nagtali ng magulo kong buhok. Ang gulo-gulo. Ang baho pa ng katawan ko dahil dun sa panis na sopas.


Tumayo si Lay saka lumapit sa bag nya para isara ito habang ako ay naka upo at hawak ang cellphone kong deadbats.


"nasaan na yung iba?" tanong ni Lay na naglibot pa.


"sumama si Kyle, Andrew at Jerald kay Yael" wika ni Ardie "sina Zyrie naman at Khalil sumama kay Ken at hindi ko alam kung saan sila pupunta" matapos ng mga sinabi ni Ardie ay agad syang lumabas patakbo ng room.


"hayy buhay" wala akong magawa. Nakaka bored. 


Gusto kong makapasa sa exam pero tinatamad akong mag aral, kamot ulo akong tumingin sa kawalan.


Lalabas nalang kaya muna ako tas pupunta ako sa rooftop malay mo nandon tumatambay si Kane, gusto ko ng kausap. Pero  parang dadagdag ang sakit ng ulo ko sa pag e-english nya.


"alis muna ko" paalam ko kay Lay saka tumakbo narin palabas gaya ng ginawa ni Ardie.


Naglakad nalang ako imbis tumakbo para naman hindi ako mapagod ng sobra, mahina din yung resistensya ko pagdating sa mga ganto. Pero atleast, kaya ko parin kahit mahina.

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon