Jade's POV (Point of View)
"ang bango naman nyan" ani ko saka umupo sa high chair
Umirap ako sa kanya, bat ba ang sama ng mood ko kapag umaga? tsk.
Marunong rin pala syang mag luto, tsk. buti pa sya marunong samantalang ako ni magluto ng itlog di pa magawa
"did you sleep well?" tumango lang ako saka kumuha nung macaroons sa tabi ko
Tumingin kami sa labas ng magsimula na namang magbagsakan ang maliliit na butil ng ulan, pano na yan? di ako makaka uwi
"ihahatid kita, don't worry" tumingin lang ako uli sa labas, glass ang iba nyang digngding kaya makikita mo yung labas, medyo soundproof raw tong bahay nya kaya hindi mo masyadong marinig yung ingay sa labas, kahit ata sumabog yang isang bahay dyan hindi namin maririnig eh
"ubusin mo na yan, i'll go upstairs" tumango nalang ako bago nilantakan ang laman ng plato sa harap ko
"Ms. Jade? matanong ko lang po?" lumingon ako dun sa katulong ni Ken. Nakaharap na sya sa akin habang namumula, anyare?
"mm?"
"kayo po ba yung girlfriend ni Master Ken?" nabulunan ako sa sinabi nya kaya dali-dali nyang hinagod ang likuran ko saka inabutan rin ng tubig
Ako? girlfriend nya? ampupu anlabo kaya nun noh!
"h-hindi ko sya boyfrined at mas lalong hindi nya ako girlfrien, okay?" uminom ako saka pinagpatuloy na ang pagkain
Lokong maid to! kitang kumakain ako rito nagtatanong ng dimaasal!
"sorry po, akala ko po kasi eh" kamot batok nyang sabi saka naghugas ng pinggan
Kanina pa ba yang mga pinggan dyan? tsk. di ko man lang nakita
"anong inisip mong ako ang girlfriend nya?" tanong ko ng matapos ko ang pagkain
"kasi po, dumating dito yung mommy nya tapos tinanong sya kung may girlfriend na daw po ba si Master Ken, ang sabi naman po ni Master meron na raw po" tumingin sya sa akin saka ngumiti na di na makita ang mga mata "kayo palang po ang dinala ni Master Ken sa bahay nya saka pumasok sa isip ko na baka ikaw na nga yung tinutukoy nya"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, ano raw? ako palang ang nakakarating sa bahay nya? posible naman nun
"pano mo naman nasabi?"
"matagal na po akong naninilbihan kay Master Ken saka matagal ko narin po syang hindi nakikitang may dinalang babae maliban sayo" sagot nya
![](https://img.wattpad.com/cover/250173917-288-k499213.jpg)
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...