Jade's POV (Point of View)
"pasa na!" sabay-sabay na sigaw nina Ardie
Tumingin ako uli kina Kai na hawak ang bola na kanina pa nakatulala, ampupu kanina pa kami dito sigaw ng sigaw
"tsk" biglang pumiito si Yael it means nasa amin ang score
Basketball ag laro namin ngayong P.E and dapat na nasa team ay lima lang pero aging anim ang sa amin, isinali kasi kami ni Sir A pero magkaiba kami ng team
Nasa Team ako ni Yael habang si Lay naman ay kay Ken
Hindi ko masyadong maintindihan dahil naging referee namin yung dalawa si Yael pati Ken
"Jadeee!!" agad nilang sigaw kaya lumingon ako kina Ardie pero huli na dahil tumama na ang matigas na bola ng basketball sa muka ko na agad ko namang ikina tumba
"aray ko po" hinilot ko ang sentido kong natamaan ng matigas na bola, narinig ko naman ang mga mabibilis na yabag papunta sa akin
Agad akong inalalayan ni Lay at Yael habang yung iba ay nagsisihan na dahil sa nangyari
"dumugo ilong mo" turo naman ni Andrew kaya hinawakan ko at ay nakapa akong basa kaya naman tiningnan ko...dugo nga
Pero wala naman akong naramdaman ah--agad na lumapit si Ken sa akin at naglagay ng panyo sa ilong ko na ikina bigla rin ng lahat
Yung iba ay nakaka loko ang ngisi ang iba nama'y nagpipigil ng ngiti, tsk.
"dalhin ka na kaya namin sa clinic?" tanong ni Zyrie uimiling naman ako agad
"hindi na kailangan, hindi naman malala to" ngumiti lang ako
"paano pag nag ka impeksyon yan?" tumingin naman ako kay Ardie saka muling umiling
"hindi naman kasi malala kaya paano magka impeksyon toh?" umiling akong ngumiti saka pilit na tumayo pero bigla akong natumba
Dali-dali naman akong sinalo ni Ken pero naunahan sya ni Yael
Pinag-aagawa ba nila ako? tsk. lalaki nga naman
"tara sa clinic" seryoso ang boses ni Yael kaya napa lunok akong sumunod sa kanya
Nagkatinginan pa sina Yael at Ken ng pagkasama-sama bago nila ako inalalayan papuntang clinic, maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng hilo
Naramdaman ko nalang na nagpipikit na ang mata ko pero pinilit kong ibuka pero hindi na talaga kaya.........
-------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/250173917-288-k499213.jpg)
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Novela JuvenilEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...