Her POV
"Pikachu" hanap-hanap ko naman ang stuff toy na iyon.
Palagi nalang kasi sya nawawala pag magising ako sa umaga at yun na nga nahanap ko naman sya sa ilalim ng kama ko. Lagi nalang.
"Tsk! Sa susunod tatalian na talaga kita para di kana laging napupunta dun sa ilalim" padabog kong kinuha sya at inilagay sa tabi ng higaan ko.
Naligo ako at nag bihis ng sando at itim na short. Pambahay lang, wala namang klase.
"tara na, punta naman tayo kay lola" kukunin kona sana ang maliit na bag ko ng maalala ako. Dali-dali akong pumunta sa kalendaryo at tumingin.
"Sabado na" maloko akong ngumiti. Kuya Ace. Tsk tsk tsk.
Sumilip ako sa labas, gising na siguro rin si kuya Trev. Sa pagkaka-alam ko ay may trabaho si kuya pati sabado, himalang naka pambahay rin sya.
Bumaba ako dala ang maliit na bag ko, wala yung laman kaya parang nagdadala ka ng hangin. Sobrang gaan. Lumapit ako kay kuya para mang-hingi ulit. Wala na akong pera--charot.
"kuya Trev, pupunta na ako kay lola mag ta-taxi lang ako" inilahad ko ang palad ko sa kanya.
"ano naman yan?" taas kilay na tanong nya. Damot talaga.
"hingi ako pera sabi ko nga mag t-taxi ako"
"anong pupunta kay lola? hindi kana pupunta dun, makikipag-away kalang" humigop sya ng kape nya. Attitude.
Sinukin ka sana kuya.
"anong hindi? At bakit hindi?"
"Tine, your not going, end of conversation" seryoso nyang sabi. Tsk. Okay.
Bumalik ako ng kwarto ko, at bakit ayaw nya akong pumunta kay lola? Tsh. Lagi nya nalang dinadahilan na makikipag away daw ako. Tsk. New Journey na nga kasi ako, ayaw pang maniwala.
12:56
"ma'am Jade?" napabalikwas ako ng bangon dahil sa kumakatok sa pinto. Nag inat-inat muna ako bago binuksan ang pinto.
"ano po yun?"
"kanina ko pa po kayo tinatawag, ang sabi po ng kuya mo ay kumain kana raw' po dahil hindi ka nya nakita kaninang kumain ng agahan"
Tumango-tango lang ako.
"susunod ako" aalis na sana sya ng pigilan ko. "manang, pumunta na po ba dito si kuya Ace?"
"kanina pero ang sabi babalik pa daw sya dahil may paguusapan sila ng kuya mo" sabi nya at umalis na.
Bumalik ako sa pagkakahiga at nag munimuni, bigla namang sumagi sa isip ko yung papel na kinuha ni Ken nung nakaraan. Bumangon ako at bumaba, nakita kong wala si kuya siguro ay nasa kwarto na sya?
"ma'am, kakain na po ba kayo?"
"ay kabayo ka!"
"ay grabe naman po sa kabayo... sorry po"
Hindi ko na sya pinansin at naglakad nalang ako papunta sa kusina, kinuha ko yung chuckie ko at ininom yun.
"ma'am hindi na po ba kayo kakain?" tanong ni manang umiling naman ako.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Novela JuvenilEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...