Chapter 75

423 12 2
                                        


Jade's POV (Point of View)


"alam ba to ni kuya Trev?" umiling lang si kuya Ace saka nagpatuloy na sa pagmamaneho. Papunta na kami ng school. Haaay. Hindi ko alam kung anong muka ang ibibigay ko sa buong school dahil sa nangyaring pagpapahiya sa akin ni Kierra.


'kakayanin mo toh Jade'


"ihahatid kita hanggang sa makarating ka sa room mo" seryoso nyang sabi habang tumitingin sa rear mirror. Pinaparking nya yung sasakyan.


"hindi na kuya, kaya ko namang maglakad mag isa saka baka ma late na rin tayo kapag hinatid mo pa ako" walang gana kong sabi saka mabilis na bumaba. Rinig ko ang sigaw ni kuya na pinapabalik ako pero hindi ko na sya pinansin pa.


Hawak ang straps ng bag ko habang tahimik na naglalakad papunta sa building ng room. Medyo nga malayo yun saka maraming madadaanang mga likuan. 


Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang marinig ang mga tsismisan ng mga estudyanteng madadaanan ko. Siguro nga. Mabilis kumalat ang mga ganito. haaayy.


Kakasakit yung mga salita nilang malandi daw ako. Tsk. ket d naman totoo. 


"ow look who's here" hindi na ako lumingon pa dahil nga kilala ko na ang boses na iyon. Nag mumuka syang maarte oh well. Maarte naman talag sya.


Hindi ko na sya pinansin pa at nag diretso nalang pero sadyang ayaw ako nitong padaanin at may kung ano pang ibinuhos sa akin. Lagot na! Hindi pa naman sila ang naglalaba ng uniporme ko. Ang hirap kumuskos.


"you bvtch! tantanan mo ang future husband ko kundi yan ang lagi mong mahahanp sa amin."


Makahulugang sabi nito saka umalis na. Bumuntong hininga nalang ako saka inayos yung nagulo kong buhok. Pinunasan ko na rin ng dala kong panyo yung muka ko. Hindi maganda yung amoy ng ibinuhos nila sa akin.


Nagtatawanan. Yun ang mga naririnig ko habang nag papatuloy ng lakad. Meron naman akong P.E sa locker room namin sa building kaya walang problema yun.


Ng makarating ay agad akong nagbihis. Buti nalang at may alcohol akong dala, ibinuhos ko yun sa dala kong bimpo na kakabasa ko lang saka ipinahid sa parte-parte ng katawan ko. Ng matapos ay umakyat na rin ako. Pagkarating ay nag ka klase na sila. Siguro ay pang 2nd subject na namin ito dahil iang subject na yung itinuturo ni Sir. A


"sorry Sir na late ako.... na hulipo kasi ako ng gising" ngumiti lang sya saka pinaupo na ako na agad ko namang sinunod.


Pansin ang pagtataka sa itsura ng mga kakalse ko pero agad ko din iyong binalewala. Wala ngayon si Ken ganon din si Lay. Nag excuse kasi sya sa hindi ko alam na dahilan pero ang sabi ay importante daw yun. Si Yael ay hindi rin pumasok magbabantay daw kahit ngayon lang kay Ejay.


Sya kasi yung na ospital kasama ko nung April 22. Sya yung humila sa akin para d mabundol at ending sa kanya nangyari. Nag sorry naman ako sa kanya pero hindi nya tinanggap yun. Bayad na daw sana sya sa kasalanang ginawa nya sa akin. At, oo. Sya yung kasama sa mga kumidnap sa akin pero hindi nya naman iaasahang babaliktarin sya ng mga kasama nya kaya naisipan nyang tulungan nalang ako kundi ay malalagot daw sya kay Ken.


Haaay.


"jade... naligo kaba?" lumingon ako kay Ardie, lokong bata na toh!. Agad ko syang binatukan


"naligo ako Ardie minalas ngalang kanina kasi may nadaanan ako dun.... na bully. Tuloy eto...." sabi ko saka muling binalik ang tingin sa harap.


"anyare? anong ginawa nila sayo?!!" nagulantang kaming lahat sa sigaw na nagmumula sa pinto. Nakita ko ang galit na muka nina Kai. Loh! kung maka react naman ang mga toh.


Hindi ko na sila pinansin baka madamay pa akong makagalitan ni sir A pagnagkataon.


"Kai, Zyrie... pumasok na kayo" kunot noong sabi ni Sir A sa dalawa. Pero hindi nila iyon sinunod. Naka kunot lang ang noo ng dalawa sa amin.


"no sir... yung kaklase namin binubully na hindi naman pwedeng pagpawalang bahala lang namin yun" sabi ni Zyrie sa mahinahong paraan. Bakit ba ang OA nilang mag react?


"waht?!" hindi makapaniwalang si Sir A rin. Ang O-OA nila.


Hindi naman ata bully yun---haaay..


"who in your class was bullied?" mahinahon ring tanong ni Sir. Yumuko nalang ako saka hindi na pinansin yun. Dumukduk ako sa lamesa ko sana hindi piakinggan ang ga OA nilang usapan.


"si Jade"

"si Ms. Mendoza"

"sya po"


Haaay. buhay nga naman parang life.


"Ms. Mendoza?" sumilip lang ako kay Sir A. Nandito na pala sya sa harap ko. Lagot na anong sasabihin ko?


"sir?"


"can you tell us if students are bullying you?" mahinahon nitong tanong. Naka abang na ang lahat sa saasbihin ko. Ano toh? sa korte?


"a-ah sir A... hindi naman po ako na bubully..." pagsisinungaling ko.


"that's  impposible Jade!! kitang-kita namin mismo sa cctv yung ginawa sayo ng grupo ni Kierra kanina!!" sigaw ni Kai. 


"Lower your voice Kai.."


"nung huling mga araw rin ay tinambangan ka nila ng sumunod ay may dala silang mga pamalo... we should say na baseball ang mga iyon the next day ay ikinulong ka nila sa cr... yung cr na yun ay matagal ng hindi ginagamit... napaka dumi kung sasabihin!" si Zyrie naman ang sumagot


Bakit ba kasi may cctv pa? aish!


"marami pa silang ginawa sayo jade but why didn't you even tell us?....." napalingon kaming lahat sabay-sabay sa pinto ng makita si Yael. Ayt! 


Kala ko ba magbabantay sya kay Ejay?


"ok so... stop... i re-report natin ang mga nangyayaring ito sa principal... kilala mo ba yung mga kasama ni Ms. Dela Vega?" umiling lang ako saka muling dumukdok sa lamesa ko ng marinig ang mga yabag ni Sir palabas ng room.


Kinakausap ako nina Kai about sa mga nangyayari sa akin pero ni isa ay wala akong sinagot o ni pakinggan. Hanggang sa matapos ang klase.

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon