Chapter 33

679 23 1
                                        


Jade's POV (Point of View)


"loko ka talaga" mabilis kong binatukan si Ardie saka tumakbo na paalis ron


Sinadya kong batukan sya at ng mahimasmasan na sya kakapantasya dun sa babaeng dumaan kanina, magkasing tangkad kami ng babae. Sabi ni Ardie sya daw yung in-arange marriage sa kanay saka Collien Reveras yung pangalan, syempre di ako naniwala noh!


Sumakay na ako ng taxi, hindi na ako nagsabi kay kuya Trev na ngayon ang uwi saka ayaw kong magpasundo sa kanya noh! Tyak na sermon ang sasabihin nun tas magtatanong kung bakit daw ang aga ng uwi namin imbis na bukas. TSK. 


Ng makarating sa bahay ay mabilis akong nag pa ninja-ninja paakyat sa kwarto ko, wala naman nakakita sa akin. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa matigas kong kama, maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng antok


----------------------


Lay's POV (Point of View)


"daddy?" 


Ng makarating ako sa bahay ay hindi ko pa sila nakikita, hanap ako ng hanap pero wala kahit nga mga maids sa bahay ay wala rin, napaka tahimik.


"Dad? Mom?" kahit ni isang sagot ay wala akong natanggap


Maya-maya lang ay may tumunog, agad ko namang hinanap yun saka sinagot.


"Freance?" 

"L-Lay, may tumawag kasi kanina.....uhmm...s-sina mommy't daddy kasi..." parang wala syang planong sabihin ang nangyayari


Si Freance Kriss ang ate ko nasa States sya ngayon dahil sa trabaho nyang Doctor


"ano yun? bakit may....may problema ba?" I asked

"sila kasi....m-may kumuha sa kanila dyan..." narinig ko syang humkbi

"a-anong kumuha? nasa s-sila?" Mahahawa yata ako sa hikbi nya, walang tigil kung umiyak

"k-kinidnap sila, Lay" tuluyan ng nahulog ang mga luha ko pababa, parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig ko


Anong Kinidnap? Posible masyado kung ganoon ang nagyari, wala akong natatandaang kaaway nina moomy at daddy sa business ni mga kaibigan nila ay hindi ko naisipan na pinagiinitan sila, saka paano? anong nangyari? bakit nangyari to? nangyari nato sa akin noon at ngayon? sila na naman ang kukunin sa akin? sa amin?


"I will drop the call" hindi ko na sya pinagsalita pa at agad ko na yung pinatay


Humanda sakin kung sino mang gumawa nun sa kanila!! 


Kinuha ko ang phone ko at di-nial ang number ni Ken, sya lang ang makakatulong sa akin and the whole D's.

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon