Chapter 55

428 12 2
                                    


Jade's POV (Point of View)


Hindi na ako tinanong nina kuya Ace kung saan ako galing dahil alam kong walang paki-alam ang kuya ko sa akin maliban kay kuya Trev. Hindi rin sya nagtanong kaya marahil ay hindi nagsumbong si kuya Ace sa kanya. Matulin ang takbo ng buhay ko sa nagdaang dalawang linggo, naging normal nalang rin ang lapit ko sa mga D's, maliban kay Ardie na syang sobrang kulit sa klase.


Hindi ko na rin masyadong pinapansin si Ken. Araw-araw na itong nag-bibigay sa akin ng mga pagkain at kung ano pero hindi ko iyon tinatanggap, huminto rin ito kanlaunan pero pinuno nya ako ng text's. Nainis ako niyon kaya yung bagong cp na ibinigay sa akin ni Kuya Trev ay itinago ko at nagpabili ng bago, wala namang angal si kuya. 


Mag iisang bwan na ang tratuhan naming lahat, madalas ay magkasama kaming tatlo minsan ay apat kami, ako si Hirro, si Ardie at Kane. Nagkakalapit narin ang tatlo. Minsan ay lumalabas kami ng sama-sama, sinusundo nila ako sa bahay at pinapaalam ako. 


--


"oh? may kailangan kayo?" tanong ko kina Kai at Zyrie ng lumapit sila sa akin kkinabukasan


"wala naman na, gusto ka lang naming kamustahin... saka pwede ba kaming magtanong?" tumango lang ako sa dalawa, humila sila ng upuan sa harap ko


"ano yung itatanong nyo?" tanong ko habang inaayos ang mga nagkalat kong gamit


Hindi pumasok si Ken at Yael ngayon at wala akong paki-alam.... hays


"what's your relationship with Hirro and his brother?" tumaas ang kilay ko sa tanong ni Zyrie


"magkaibigan lang kami, bakit?"


"wala, curious lang kami kasi palagi kayong magkasama eh"


"oh tapos?" 


Hindi ko maiwasang magtaka sa mga inaasal ng lahat sa amin este sa akin, masyadong halata para sa akin.


"si Ken naman ba may pakana netoh?" sabay silang umiling saka tumayo na rin


"mauna na kami.... ingat ka" tumayo na rin ako saka hinarap sila


"ge"


Nauna ako sa kanilang dalawa na lumabas at hindi pinansin ang mga nahahalata kong aksyon nila. Sabay kami ni Ardie palabas ng gate kasi naman may date kaming apat, ulit. 


Nung isang araw lang ay nagtanong ako kay Hirro kung nag-aaral pa sya, ang sabi ay oo raw kaso tinatamad pero sususukan nya raw ulit pumasok, isa pa magka-klase raw sila ng kapatid nya. Sa ibang tatay raw nanggaling si Kane pero ayos lang iyon, tanggap ng pamilya nya iyon...


"Jade!!" sabay kaming lumingon ng marining ang boses ni Kane, naka-ngiti itong lumapit sa amin


"oh tara?" tumango kaming sabay


Naglakad lang kaming tatlo papunta sa sinasabi nila a Stall, mag lilibot kami ngayong hapon, alas'dos na ng hapon, at wala kaming klase sabi ni Sir A at yun ang inkinatuwa ng lahat. Ganoon rin sa buong campus, kaya ngayon ay nagkalat ang mga estudyante ng Oxford, nung nakaraang bwan ko lang nalaman na nahahati sa Public at Private ang school na pinapasukan namin.


"ayun si Kuya" turo nya sa medyo kalayuang lalaki, takbo lakad ang ginawa namin para makalapit sa kanya, naka ngiti nito kmaing dinaluhan para magsimula ng maglibot.


-


Sa kalagitnaan na kami sa paglilibot hawak ang kanya-kanya naming biniling milk tea, may nakita kaming mga men in black pero hindi namin iyon pinasin at nagtuloy lang sa mga ginagawa. 


"Jade, isukat mo nga" ibinigay sa akin ni Ardie ang isang tupis kaya agad ko syang binatukan, tawa ng tawa silang tatlo


"gago"


Naisip kong malapit na ang birthday ni Ardie at may naisip akong magandang plano, hehehhe...


Nakahawak ako ng isang magandang itim at puting damit. Naisipan ko iyong isukat, kinalabit ko sina Hirro para magpaalam,


"isusukat ko to ha" tumango lang sila, hahakbang na ako ng magsalita si Hirro


"I'll come with you I may be the watchman outside" binatukan ko rin sya gaya ng ginawa ko kay Ardie dahil sa sinabi nya


"abno ka, wag na. saka enjoy nyo muna ang kalokohan nyo habang wala pa ako" ngumisi lang ako saka naghanap na ng pwedeng sukatan.


Nagikot-ikot ako, minamalas ko naman dahil may naka-una sa akin pagpaasok, kaya naghintay nalang ako hanggang sa makalabas yung lalaking susukat rin. Nag-antay ako dito sa labas hawak yung mga isusukat ko, dinagdagan rin kasi iyon nila ng kung ano-ano. Umangal ako pero hindi din natiis.


"miss nag-iisa ka ba?" lumingon ako baka kasi ako yung kinakausap, nakita ko yung isa sa mga men in black kanina kaya medyo lumayo ako ng konti, medyo dumistansya ako


"ah hehe, hindi. May mga kasama ako" luminga-linga ito at napagtantong walang nakita ay muling itong humarap sa akin


"wala naman ah, saka kung meron ka mang kasama ay dapat nandito rin sila kasama mo" ngumisi ito sa akin kaya medyo kinilabutan ako


"a-hh hindi, sinabihan ko kasi sila na ako lang mag isa ang susukat kaya iniwan ko sila dun" turo ko sa pwesto kanina nina Hirro, nasa kabilang banda na sila kaya duon ko itinapat ang hintuturo ko


"wala naman akong nakikitang kasama mo kanina..." aniya


Tumayo na ako para sana bumalik kina Ardie ng may inilabas ang estranghero na panyo. Itatapat nya sana iyon sa akin ng bigla akong tumakbo, hindi ako nakaligtas dahil nahigit nito ang buhok ko. 


Walang may nakapansin sa amin dahil sa dami at ingay narin ng mga tao. Magpupumiglas na sana ako ng bigla nyang ilagay anng panyo sa ilong ko, dahan dahan naman akong nahilo at bigalng dumilim ang paligid.


Unti-unti na akong nawalan ng malay, ramdam kong inakay ako ng lalaki, nakita ko ring unti-unting paglapit ng mga kasama nya. Wala akong lakas para magpumiglas dahil hina ang nararamdaman ko ngayon.....


Madilim sobrang dilim.......

Last Section Arrived (When we met) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon