Jade's POV (Point of View)
Nakaka luya yung laro namin. Isa-isa kasi silang nag alisan, nag mood swing yata sila. Kanina ang saya-saya tapos nung maka kalahati na dun na naboring yung laro namin. Ano ba kasing si Yael na toh. Sarap sapakin ng bente.
Kaka-walang kwenta. Bigla nalang kasi syang umalis kanina nung tinanong namin sya.
FLASHBACK
"ikaw na Yael.." ngiting aso'ng sina Ardie. Napa-ngiwi nalang si Yael bago tumango.
"sinong second love mo.." tanong nina Lay, naka abang kaming lahat sa kanya. Bigla naman itong tumingin sa akin saka yumuko. Nakita kong kumuyom pa ito bago padabog na lumabas. Sinipa pa nito ang kalapit na upuan.
Nagulat naman kami, napa buntong hininga nalang yung iba ang iba naman ay nagtutulakan.
"tanga-tangang Jerlad toh"
"ambobo nyo mga pre"
"lagot kayo dun"
"dapat ibang tanong nalang eh noh?"
"mga utak itim na mga toh, alam nyo na nga kung sino yun tatanong nyo pa"
Saka sila isa-isang tumayo at nag kanya-kanya ng labas dala yung mga bag nila. Ayy tama, malapit na palang mag uwian.
END OF FLASHBACK
"uuwi nako" paalam ko sa kanila. Akmang tatayo na ako ng may sumigaw ng pangalan ko, pumasok dun ang hingal-na-hingal na si Kyle. May hawak syang box na sing laki ng box ng mga sapatos. Ibinigay nya yun sa akin at inabot ko naman.
Taka akong tumingin sa kanya, umiling lang ito na parang sinasabing hindi alam kung kanina galing. Tanga rin eh, malamang malalaman nya kasi sa kanya naman toh ibinigay. Bobo rin.
Umirap nalang ako saka tumingin sa hawak kong box. May naka sulat dun,
TO: Jade Mendoza
Yun lang? Wala man lang from? Kung kanino galing?
Baka secret reminder---admirer ko. Itinago ko nalang sa bag ko yun saka nauna na sa kanilang lumabas, ako lang titingin nun noh. Makiki-usyoso na naman yung mga yun panigurado. Ng maka baba ng building ay dumiretso ako sa may kubo dun banda sa may gate. Aabangan ko si kuya.
Nag pa linga-linga ako para ma i-clear ang paligid. Wala sila, hushh. Kinuha ko yung box sa bag ko. Naka balot iyon sa brown na papel. Yung parang pang delivery kumbaga. Pinunit ko iyon saka tinapon sa kung saan. Yaan mo na yun, malilinis din naman.
Bubuksan ko na sana ng maalalang may pangalan ko pala yung papel na itinapon ko. Hinanap ko yun sa kung san ko tinapon, nakita ko naman agad saka kinuha at inilagay sa bag.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Genç KurguEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
