"eto na pala yung Zuki'z R?" tanong ko kay Yael tumango naman sya.
Biglang nag vibrate ang cellphone ko, napatingin naman ako sa mga kasama ko.
"sasagutin ko lang to" paalam ko sa kanila saka lumabas ng restaurant.
"Tin? where the hell are you?!" pamilyar na boses ang narinig ko. Umirap ako sa hangin.
"hm?, kuya Jace? ikaw ba yan?" Tanong ko't nagbabakasakali na sya nga ang tumawag sa akin.
Narinig ko na uli na tinatawag nya ang pangalan ko sa magandang pagkakataon. Hehe, biyaya ng langit!
"answer me? where the hell are you?!" agad naman akong nagsalita ng malamang galit at inis na ito sa pagiging tahimik ko sa linya.
"nasa restaurant kuya? bakit?" ganon na lamang ang takot ko kay kuya dahil galit sya at hindi ko gustong magalit sya mismo sa akin. Palagi nalang syang galit sa akin, hindi ba pwedeng ako naman ang mag sermon sa kanya? Tsk. Biro lang. Ayoko pang maging palaboy sa kanto.
"name?" tanonng nya uli kaya nilakasan ko ang loob ko na hindi mautal dahil ngayon nya lang uli ako kinausap. Good dapat.
"Zuki'z Restauran--" hindi nako nito pinatapos ng pagsasalita dahil agad nyang pinatay ito. Bastos kausap. Pero naiimagine ko ang mukha nyang galit na sumusugod dito tas kakaladkarin ako palabas, then mapapahiya ako sa mga kasama ko! Napalunok ako at naluluhang bumalik sa loob.
Lihim akong tumungo. Sila ang saya-sayang naguusap, ako? eto naka yuko sa mga pag ooverthink ko!
Agad na nagulat ako ng may humila sa akin. Masakit, parang gusto nyang baliin ang buto ko sa higpit ng pagkakahawak nya. Hinila nya ako palabas, naiwan ko tuloy ang bag at cellphone ko.
"kuya, nasasaktan ako"
Hindi nya ako sinagot, sinusubukan kong alisin ang mahigpit nyang pagkakahawak sa akin pero wala talaga. Hindi kaya ng lakas ko ang lakas nya. Binitawan nya lang ako ng makarating kami sa harap ng kotse nya, may kalayuan ito sa restaurant.
Sa sobrang atensyon ko marahil sa braso ko ay hindi ko napansin ang layo namin.
"why are you with them?" tanong nito't tanging tungo lang ang ginawa ko.
Mabilis kong pinunasan ang sumisilip kong luha. Ayokong makita nya akong uiiyak dahil sa kanya.
"matagal ko na silang kasama" hindi ko mapigilang maluha na ng tuluyan. Tsk! Ang hina ko naman.
"wipe your tears! I don't want to see those" sa boses palang ay may inis ng kahalo kahit hindi ko sya tingnan ay alam kong naiinis na sya.
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Teen FictionEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...