Jade's POV (Point of View)
Nakikitawa nalang ako minsan sa mga biro nila. Kakaburyo na dito sa room. Dalawang araw na kaming walang klase, syempre mga section D lang yung walang klase. Hindi ko alam kung anong pinagkabisihan ni Sir A.
"sa labas nalang muna ako" mahina kong bulong kay Ardie na busy sa kakalaro nung online game. Haaaay.
Tahimik akong lumabas. Nagugutom nako, d ako naka dala ng pagkain kanina. Kase naman pinapadali ako ni kuya. Bumaba ako saka dumiretso sa canteen dito malapit sa building namin. Kasi kung pupunta pa ako sa cafeteria malayo na. Mala department store yung cafeteria habang yung canteen naman ay pipila ka. Sa cafeteria kasi ay parang restaurant.
"dalawa nga pong polvoron saka isang cheesecake saka mismo" sabi ko sa tindera ng makarating sa canteen. Kaunti lang yung mga estudyante siguro ay may free time ang mga ito kahit isang minuto.
Ng maibigay na sa akin nung tindera ay agad ako nitong siningil na nag painit sa ulo ko. D ba sya marunonng mag hintay?tsh.
Lumabas na ako saka naglakad pabalik ng building. Binuksan ko yung binili kong cheesecake. Bale isang slice ang yun. Ng maubos ay binuksan ko naman yung polvoron. Yung polvoron na sing liit gaya ng sa red ribbon. Madali lang maubos kakabitin, nagugutom pako.
Liliko na sana ako kaso bigla akong bumagsak sa semento. Nauna yung ulo ko kaya medyo masakit. Umiikot rin kaunti yung paningin ko saka para bang pinukpok yung ulo ko ng martilyo sa sobrang sakit.
Maiiyak na ko.
Nakarining ako ng mga tawanan pero hindi ko iyon pinansin at agad nalang tumayo. Maglalakad na sana ako ulit ng may humila sa laylayan ng buhok ko. Ang sakit nun, para bang matatanggal na yung anit ko kahit isang hila lang yung ginawa ng kung sino.
Alam kong lalaki ang pumatid sa akin at babae yung humila sa buhok ko. Isang patak na luha yung naramdaman ko sa isa kong mata ng maramdaman ang malutong na sampal. P*ta!
"bagay yan sayo HAHHA" boses yun ng lalaki. Nako, ang sarap manapak.
Bat ba kailangan kong maranasan toh sa paaralang to? Bat ba lagi akong inaapi? punyeta!
Humarap ako sa mga iyon ng may matalim at galit na tingin. Paguumpugin ko ang mga ulo nyo. Humanda kayo!
Agad kong sinugod ang mga ito saka mabilis na hinawakan yung buhok nung babae at lalaki. Sigaw nung babae ang una kong narinig bago yung maiiyak nyang pag so-sorry. Yung lalaki ay pilit tinatanggal yung mahigpit kong hawak sa buhok nya ganon din naman yung isa.
"ngayon ka mag maka-awang bibitiwan kita!" galit kong sigaw sa dalawa saka mabilis na iniumpog ang dalawa nilang ulo. La na kong pake kung may mangyari sa inyo!
Nakatayo pa yung lalaki at akmang susugod sa akin ng suntok ng mabilis ko syang inunahan. Isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa muka nya. Aray! ansakit ng kamao ko y*wa.
"g*go ka!" sigaw uli nung lalaki ng maka rekaber sa suntok ko. Dumugo na nga pala yung ilong nya.
Susugod na sana ako ng may pumalo ng kung ano sa likuran ko dahilan para matumba ako sa semento. Pakshet yung uniform ko, madumi na! MADUMI NA NAMAN?!
"aray ko po" bulong ko sa sarili ko ng muling may pumalo ng matigas na bagay sa likuran ko.
"akala mo naman kung sinong matapang.... nagyayabang pa!" nagtawanan ang mga ito. Nasisiguro kong lalaki ang mga ito.
Muling may pumalo na naman sa likuran ko. Aray ko jusme! Masakit na! Nabali na yata buto ko.
Nanghihilo akong tumayo matapos akong takbuhan nung mga lalaki. Namimilipit sa sakin yung katawan ko pasandig sa pader. Duming-dumi na ng uniform ko. Muka pa ba akong estdyante nito? Haaayyy.
Ng medyo mawala-wala na yung sakit ay tumayo na ako para bumalik sa room. Siguro naman walang cctv dito banda ano?.
Palihim akong uminda ng medyo kuirot yung binti kong pinalo nila kanina ng kahoy. Ng hahakbang ay agad akong natumba ng walang alalay sa sarili. Paakyat na ako eh. Hays.
D naman ako ganto kahina noon.
"aray ko naman kase... kundi ba kasi ako lumipat ng paaralan hindi sana ganto sasapitin ko..." inis at galit kong sabi sa sarili habang pahakbang. Rinig mula dito ang sigawan at tawanan ng mga kaklase ko. Ang saya siguro nila.
Tahimik akong pumasok gaya nung kanina hawak yung malamig-lamig kong mismo. Nilalapat ko yun sa masakit na parte ng katawan ko mula kanina.
"anong nangyari na naman sayo?" takang tanong ng isa sa kanila. Ngumiti lang ako saka umiling.
"nadulas kasi ako dun sa may baba, madumi yung nabagsakan ko kaya ganito itsura ko eheheh" biro ko pero ni isa ay walang tumawa o ano. Seryoso masyado ang tingin nilang lahat sa akin.
"hindi ka nadulas Jade" wika naman nung isa kaya napakunot ang noo ko
"nadulas nga ako! bat ba ang hirap intindihin nun ha?!" galit kong sigaw sa mga ito, napatayo narin ako.
"Nag iinarte lang yan" napalingon naman kaming lahat ng marinig ang pamilyar na boses. Si Ken. Seryoso ang tingin nito sa akin habang nililibot ang tingin sa bawat parte ko. Kaya tuindig ako ng ayos at hindi pinahalata yung kirot na nararamdaman ko.
"anong nagiinarte dyan? ha? Ken?" inis na salta ni Yael, nakisali na rin yung iba.
Hindi ko nalang sila pinansin at dumukdok nalang sa lamesa ko. Unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko habang naka dukdok. Hindi ko mapigilan eh.
'mag sasawa rin ako... darating din tayo dun'
Bat ba hindi ako pinili nya? haaay. Ano ba tong pinagsasabi ko! Pakshet!
Ang punto ko lang, bakit si Kierra pa? bakit hindi ako? Ano bang wala sa akin na meron sya? Ano bang kulang sa akin? haaays.
Sabagay, si Kierra. Galing sya sa mayamang pamilya hindi gaya ng sa amin. Actually, hindi naman talaga kami mayaman kungdi dahil kay Papa na may ari ng kompanya. Si Kierra na maganda, si Kierra na matalino. Sya na lahat. Samantalang ako......
BINABASA MO ANG
Last Section Arrived (When we met)
Novela JuvenilEDITING PHASE - Nilipat siya ng ibang paaralan dahil palagi siyang nakikipag-away. Dito sa paaralan lilipatan ay makikilala nya ang iba't ibang uri na estudyante. Matalino, mayaman, competitive, maarte, makukulit, hambog, siga, bully, isip bata at...
